November 6, 2024 | Wednesday

UVCC Daily Devotion

The Be-Attitude • 1 of 9

The Be-Attitude #1: Ang Mapagpakumbabang-Loob

Today's Verses:  Matthew 5:3 (FSV)

Pinagpala ang mga mapagpakumbabang-loob, sapagkat para sa kanila ang kaharian ng langit.


Read Matthew 5

Mayroon ka bang sapat na pagpapakumbaba upang hangarin ang pag-aayos ng Diyos sa iyong buhay at sa mga sitwasyon sa iyong paligid?


Sa Mateo 5:1-13, itinuturo ni Jesus ang mga pagpapala sa mga taong na may mapagpakumbabang-loob, nagdadalamhati, maamo, nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, mahabagin, dalisay ang kalooban, nagsisikap para sa kapayapaan, o inaapi nang dahil sa katuwiran. Binibigyan ni Jesus ng pagpapala ang mga taong may ganitong mga katangian. Sinasabi ni Jesus na sila ay magkakaroon ng gantimpala at bahagi sa kaharian ng Diyos. Para kay Jesus, may tunay na pagpapala na nagmumula sa Diyos.


Pinapagpala ng Diyos ang mga may mapagpakumbabang-loob. Ang mga taong may mapagpakumbabang-loob ay ang mga taong kumikilala sa kanilang kahinaan at pangangailangan sa Diyos. Ang may mapagpakumbabang-loob ay hindi natatakot tanggapin ang kanilang kalalagayan. Sila’y mga nagnanais ng pag-aayos at pagbabago mula sa Diyos. Ang mga tulad nila ay may bahagi sa kaharian ng langit. Sa kabila ng paghihirap o pagsubok, may pag-asa silang maranasan ang bagong buhay na dulot ng Diyos. Ang pagkakaroon ng mapagpakumbabang-loob ay hindi lang isang paniniwala. Ito ay isang buhay ng pagtanggap sa plano ng Diyos tungo a pag-papanibago. Pinagkakalooban ng Diyos ang mga may ganitong puso ng pagkakataong maranasan ang Kanyang pagpapala at kaligtasan. Kalaunan, magtatamo ng tunay na pag-aangat sa bawat aspeto ng buhay. Sa bawat hakbang ng pagpapakumbaba, nagsisimula ang Diyos ng isang proseso ng pag-aayos at pagliligtas sa kanilang buhay—isang tunay na 'restoration'.


Tanggapin mo ang iyong kahinaan at ang pangangailangan mo sa Diyos. Sa bawat hakbang ng pagpapakumbaba, bibigyan ka ng Diyos ng pagkakataong magbago at magkaayos. Huwag mong tutulan ang Kanyang plano ng pagpapanibago; yakapin mo ang bawat pagsubok nang may pag-asa. Ipakita mo sa Diyos na bukas ang iyong puso sa Kanyang pagpapala at kaligtasan. Dagdag pa, kami buong pagpapakumbabang matutong maghintay ng tapat para sa tunay na 'restoration'.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, nagpapakumbaba ako sa Iyong harapan at inaamin ang aking mga kasalanan at kahinaan. Nais ko po ng pagbabago at pag-aayos sa aking buhay. Gabayan Mo ako sa bawat hakbang ng pagpapakumbaba. Tulungan Mo akong yakapin ang Iyong plano ng pagpapanibago. Buksan Mo ang aking puso sa Iyong pagpapala at kaligtasan. Salamat po sa restoration.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Kings 13-14

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions