Apri1 29, 2023 | Saturday

Manalangin Ng May Kapakumbabaan At May Kasiguraduhan

Today's verse: Numbers 14:17-18 – MBBTag

17 Kaya nga, isinasamo kong minsan pa ninyong ipakita ang inyong kapangyarihan tulad ng sinabi ninyo noong una, 18 ‘Si Yahweh ay hindi madaling magalit, mahabagin at handang magpatawad. Subalit hindi niya ipinagwawalang-bahala ang kasamaan, sapagkat ang kasalanan ng mga magulang ay kanyang sisingilin hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.’


Read: Numbers 14

Ang makilala ang Diyos ay ang manalangin ng may kapakumbabaan at may kasiguraduhan.


Dumating sa punto ng buhay ni Moises na alam niya ang kanyang ipinapanalangin … at sigurado siya sa kanyang ipinapanalangin. Mababasa sa talata na may pagsamo o panalangin si Moises kay Yahweh. Mapapansin na ang kanyang panalangin ay nakabase sa kanyang pagkakailala sa Diyos. Kilala niya ang Diyos higit pa sa kaninuman. Si Moises ay may lakas ng loob na iparating sa Diyos kung ano ang kanyang panalangain ayon sa kanyang pagkakakilala sa Diyos. Kilala niya na si Yahweh ay “...hindi madaling magalit, mahabagin at handang magpatawad”. At alam din niya na ang Diyos ay “hindi niya ipinagwawalang-bahala ang kasamaan”. Kaya ang kanyang panalangin ay may kapakumbabaan at may kasiguraduhan. Ito ay napakahalagang katotohanan.


Sa ating pkikipagrelasyon sa Diyos, mahalaga na may kapakumbabaan at may kasiguraduhan. Mali ang panalangin na may kasiguraduhan pero may kayabangan. Ito ay ‘false hope prayer’. Mali din naman na may kapakumbabaan pero walang kasigurauhan. Ito naman ay ‘desperation prayer’. Ang dalawang klase ng panalangin na ito ay malamang na hindi pakinggan ng Diyos. O kaya naman ay panghihinayangan ng Diyos. Sayang na mga panalangin.


Tayo ay dapat na manalangin ng may lumalagong pagkilala kung sino ba talaga ang Diyos. Kilalanin natin siya na Diyos na “...hindi madaling magalit, mahabagin at handang magpatawad”. At Siya rin ay Diyos na “hindi niya ipinagwawalang-bahala ang kasamaan”. Paninwalaan nating mabuti ang katotohanan na ito. Siguradong hindi masasayang ang panalangin mo.

Aming Ama, nais ko po na mas makilala Ka. Nais ko rin na ako’y manalangin ng may pang-unawa at pakilala sa iyong pagka-Diyos. Naniniwala ako na hindi ka madaling magalit, Ikaw ay mahabagin, at handa Kang magpatawad. Naniniwala ako na hindi Mo ipinagwawalang-bahala ang kasamaan. Kaya, kami’y patawarin Mo at kami panumbalikin Mo ayon sa Iyong mabuting kalooban.

Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions