Apri1 30, 2023 | Sunday

Ang Nais Ng Diyos Mula Sa Mga Tao

Today's verse: Deuteronomy 10:12–13 – MBBTag

12 “Bayang Israel, ano nga ba ang nais ni Yahweh mula sa inyo? Ang gusto lang naman niya'y igalang ninyo siya, sundin ang kanyang mga utos, ibigin siya, paglingkuran ng buong puso't kaluluwa, 13 at tuparin ang kanyang mga bilin at tuntunin. Ito rin naman ay para sa inyong kabutihan.


Read: Deuteronomy 10

Ang diwa ng paggalang sa Diyos, pagsunod sa Diyos, pag-ibig sa Diyos, paglilingkod sa Diyos, pagtupad sa bilin at tuntunin ng Diyos ay para sa kabutihan ng tao.


Sa halos dulo ng buhay ni Moises, ipinaalala niya at mas nilinaw niya sa mga Israelita na may naisin ang Diyos mula sa kanila. Ito ay ang sundin ang Diyos, ibigin ang Diyos, paglingkuran ang Diyos, at tuparin ang bilin at tuntunin ng Diyos. Bakit? Kasi lahat hiling na ito ng Diyos ay para sa kabutihan ng mga Israelita. 


Madalas hindi nauunawaan ng maraming tao ang Diyos, dahil hindi tanggap ng maraming tao na lahat ng ginagawa natin sa Diyos ay para sa kabutihan din naman natin (Hinga ng konti. Balikan mo’t basahin uli ang naunang sentence). Kung nabasa mo na uli, tuloy na natin. Tanggap ba natin na may mga pagkakataon na maski tayo ay hindi natin maunawaan ang Diyos? Bakit kaya?


Ngayong araw, unawain natin na may mahalgang diwa ang paggalang sa Diyos, pagsunod sa Diyos, pag-ibig sa Diyos, paglilingkod sa Diyos, at pagtupad sa bilin at tuntunin ng Diyos. Unawain natin ito ng may taimtim na pananalangin. Gawin mo na ngayon (manalangin ka na muna ngayon bago ituloy ang pagababasa). Nanalangin ka na ng taimtim? Ano ang naramdaman mo? Ano ang mas malinaw na sa iyo ngayon? Matapos mong manalangin para sa iyong sarili, ipanalangin mo naman ang church, ang pamilya mo, at ang mga kaibigan mo. Tayo’y manalangin …

Aming Ama, ipaunawa mo sa amin ngayon ang diwa ng paggalang sa Iyo, pagsunod sa Iyo, pag-ibig sa Iyo, paglilingkod sa Iyo, at pagtupad sa bilin at tuntunin Mo. Inaamin ko na pagdumarating ang pagsubok o problema o layaw sa buhay, nawawala sa puso namin ang diwa ng mga kalooban Mo sa aming buhay. Patawarin mo ako at patawarin Mo kami sa aming tahasang pagsuway dahil sa pandaraya ng aming emosyon. Pakawalan mo kami sa anumang tanikala ng diablo sa aming isip o puso.

Sa makapangyarihang pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions