February 24, 2025 | Monday
UVCC Daily Devotion
Instrumento Ng Mapagpalang Salita Ng Diyos
Today's Verses: Genesis 14:19–20 (ASND)
14Nang nakaalis na si Lot, sinabi ng Panginoon kay Abram, “Mula sa kinatatayuan mo, tingnan mong mabuti ang paligid. 15Ang lahat ng lupain na maaabot ng paningin mo ay ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo, at magiging inyo ito magpakailanman.
Read Genesis 14
Nais mo bang maging instrumento sa pagpapalaganap ng mabuti at mapagpalang Salita ng Diyos?
Sa Genesis 14:19-20, matapos talunin ni Abram ang mga hari na sumakop sa Sodoma ay lumapit sa kanya si Melquisedec, ang hari ng Salem at pari ng Diyos na Kataas-taasan. Nagdala siya ng tinapay at alak at binasbasan si Abram. Ipinahayag niya ang pagpapala ng Diyos para selyohan ang tagumpay ni Abram. Bilang tugon, ibinigay ni Abram ang ikasampu ng lahat ng kanyang napanalunan bilang paggalang at pasasalamat sa Diyos.
Maaaring hindi mo pa lubos na nauunawaan ang kapangyarihan ng iyong pananalita. Masaya ang taong nagsasambit ng mapagpalang salita sa kanyang kapwa. Ang pagsasabi ng basbas ng Diyos iyong kapwa ay may kapangyarihan. Kung papaano ang sumpa o masasamang salita ay may kapangyarihan, gayundin ang pagsambit ng mabuting pagpapala. Para mas maunawaan ito, isipin mo ang idsang taong may galit sa kapwa. Sila ay nakakapagsalita ng masasamang salita at sumpa na nais nilang mangyari sa kanilang kagalit. Ang ganitong gawain ay may hatid na masasamang pangyayari sa parehong tao: ang nagsabi ng sumpa at maging ang sinumpa. Ngayon, isipin mo naman kung ikaw ang nagpakawala ng mabubuting salita, basbas, o pagpapala sa iyong kapwa. Lalo pa itong napangyayari kung ang Diyos ay kasangkot sa nasabing gawain. Ganyan ang ginagawa ni Jesus sa mga tao – gaya ng ginawa ni Melquisedec kay Abram. Ganyan din ang nararapat nating gawin sa ating kapwa.
Maging instrumento ng pagpapala ng Salita ng Diyos. Ngayon ang araw na lubos mong isipin kung papaano mo gagamitin ang iyong pananalita upang maging daluyan ng pagpapala at hindi ng sumpa. Ang ating puso ay nararapat may dala-dalang basbas sa mga ipinagkatiwala sa ating ng Diyos, katulad ng ating pamilya, asawa, mga anak, o mga mahal sa buhay. maging ready. Panahon na para lubos mo pang maunawaan ang kapangyarihan ng iyong pananalita.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, ipinagkakatiwala ko sa Iyo ang kontrol sa mga salitang lumalabas sa aking bibig. Patawarin Mo ako sa masasamang tabil ng aking dila. Gamitin Mo ang aking pananalita para sa ikabubuti ng Iyong mga anak at mga mahal ko sa buhay.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang ‘basbas’ ng Diyos?
Paano ko magiging daluyan ng pagpapala ng Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions