August 1, 2023 | Tuesday
Kasama Ng Diyos Sa Kagalakan
Today's verse: Matthew 25:21, MBBTag
“Sinabi sa kanya ng panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Halika, samahan mo ako sa aking kagalakan. Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya gagawin kitang tagapamahala ng malaking halaga.’
Read: Matthew 25
Ang maging magalak dahil sa pagpala ay mabuting karanasan. Ano pa kaya ang makasama ng Diyos sa Kanyang kagalakan.
Isa sa mga sikat na verses sa Bible tungkol sa kagalakan ay ang verse natin sa itaas. Isinalaysay sa talinhagang ito na ang amo ay may galak na gusto niyang ibahagi sa kayang dalwang tapat at mabuting lingkod. Ipinapahiwatig din ng verse na ito ito’y tungkol sa kagalakan ng Diyos na Kanyang willing na ibahagi sa mga tao na sa Kanya’y naglingkod ng katapatan. Higit pa sa lahat, ito’y tumutukoy sa panghinaharap na pangyayari na kung saan lahat ng tao ay haharap sa Diyos at ipagsusulit ang kanilang buhay. Kasabay ay ang pag-account ni Lord sa mga taong ding iyun na ipinagkatiwalaan Niya ng Kanyang mga kaloob. Ito man ay isa lang, konti lang (dalawa), o hindi kaya’y marami na (lima).
Maaliwalas na isipin na nagsasabi ang Diyos dahil sa ating kasipagan ng “Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Halika, samahan mo ako sa aking kagalakan.” Ngunit nakakalungkot at nakakatakot na isipin na sa katamaran at kasamaan ng tao sila’y paparusahan ng Diyos. Alin man sa dalawang ito ang kahihinatnan ng tao, ang mas mainam na palaisipan ay kung papaano mapagpala ng kagalakan ng Diyos. Ito ang mas dapat na naisin natin bilang mga tao. Lalo na kung tayo’y mga anak na ng Diyos.
Piliin natin na maging tapat at mabuting lingkod. Maging gawi natin na tapat sa mga ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Sipagan natin ang paggawa ng mabuti. Pagplanuhan natin ng individual at ng sama-sama kung papaano maging masigasig, commited, at consistent sa mga ipinagkatiwala ng Diyos. Maiksi lang ang buhay. Gamitin na natin ito sa pagsamba at paglilingkod sa Diyos.
Panalangin
Diyos Ama, karapat-dapat Kang sambahin. Ikaw ay tapat, makatarungan, at nagbabahagi ng Iyong kagalakan. Alam ko na hindi ka madamot. Ihanda mo ako sa makabuluhang buhay. Turuan Mo ako tungo sa mabungang pamumuhat. At pasiglahin Mo ang aking espiritual na buhay na sumasamba sa Iyo at naglilingkod sa Iyo.
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Ano ang meron sa buhay mo na aware ka na sa iyo ay ipinagkatiwala ng Diyos?
Papaano pagyayamanin ang mga ipinagkatiwala ng Diyos?
Anu-ano ang panangutan ng tao sa Diyos?
Bakit may pananagutan o accountability ang tao sa mga ipinagkatiwala sa atin ng Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions