July 28, 2023 | Friday

Magpakababa Tulad Ng Mga Bata

Today's verse: Matthew 18:4-5, MBBTag

4 Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. 5 Ang sinumang tumatanggap sa isang batang katulad nito alang-alang sa akin, ako ang kanyang tinatanggap.”


Read: Matthew 18 

Ang pagpapakumbaba tulad ng mga bata ay may katapat na pagdakila mula sa Diyos.


Madalas na ibigay na example ni Jesus Christ ang particular na katangian ng mga bata – ang pagpapakumbaba nila. Ang pagpapakumbaba tulad ng isang bata ay pinakadakila sa kaharian ng langit ayon kay Jesus. At ang pagsasapamuhay ng may pagpapakumbaba ay ang willingness nai-welcome sila alang-alang kay Jesus ay parang si Jesus na rin ang na-welcome. 


Gayunpaman, hindi sikat na topic ang pagpapakumbaba. Parang hindi makatarungang pag-usapan ang magpakumbaba kasi love yourself nga, di ba? At dahil diyan, ang hindi sikat na topic na ito ay parang topic na hindi hahabulin o babasahin ng marami. Ang pagsasapamuhay ng may pagpapakumbaba ay ang pag-welcome sa kanila. At higit pa sa pagwelcome ay ang willingness na tanggapin ang mga literal na bata na makapasok sa ating ‘sacred space’. Kung tatangapin natin na magkaroon ng simple ngunit makabuluhan na access sa buhay natin ang mga bata, ang pahintulot na ito ay may pagtanggap na pahintulot sa Diyos. Ito ang pahintulot na magkaroon sila ng bahagi sa buhay mo habang sila’y pinapahayagan mo. Ayon kay Jesus, kung pahihintulutan ang mga bata na magkaroon ng access sa ating buhay (long term or short term) ay may katapat na pagtanggap sa ating Panginoong Hesus. 


Kung nabababasa ka pa hanggang sa part na ito ay may magandang senyales na ikaw ang nagpapakumbaba. Salamat sa paglaan mo ng oras na magkaroon ng devotions. Salamat sa iyong pagiging teachable at pagiging humble. Tara! Hindi man sikat na topic ang pagpapakumba tulad ng bata, rest assured na kung pinag-uusapan natin ito at ginagawa natin ito increasingly, ating wini-welcome ang audience of One. Huwag mag-isip bata, kundi magpakumbaba tulad ng isang bata.

Panalangin

Diyos Ama, patawarin mo ako sa anumang pride na nakikita mo sa akin. Sa tulong ng Iyong Espiritu Santo, turuan mo akong maging ‘child-like’ at hindi maging ‘childish’. Ako ay nagpapasakop sa iyo. 

Sa pangalan ni Hesus, Amen. 

Pagnilayan:

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions