July 26, 2023 | Wednesday

Talunin Ang Takot At Alinlangan

Today's verse: Matthew 14:30-31, MBBTag

30 Ngunit nang mapansin niya na malakas ang hangin, siya'y natakot at nagsimulang lumubog. “Panginoon, sagipin ninyo ako!” sigaw niya. 31 Agad siyang hinawakan ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi niya kay Pedro.


Read: Matthew 14 

Ang matakot dahil sa sitwasyon at kasunod ay mag-alinlangan sa Diyos ay pinipigilan ang tuloy-tuloy na breakthrough ni LORD.


Si Apostle Pedro bago siya naging Apostle ay nakaranas ng maraming ups and downs. Siya yung tipong disipulo na mapusok na gawin ang bagay-bagay o sabihin ang biglaan niyang naiisip. Si Peter ang nagpahayag ng kanyang naisin na makalapit kay Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig! Gayunpaman, si Peter din ang lumubog nang malipat ang kanyang pansin o focus mula kay Jesus papunta sa hangin at bagyo. Ito ang kanyang kamuntikang ikalunod kung hindi siya iniligtas ni Jesus. Sa pagkakataong iyon, si Peter din ang sinabihan ng “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!”


Tayo bilang tao ay exposed sa iba’t-ibang mga bagyo at unos ng buhay. At sa ating lakad patungo kay Jesus, pilit ang mga bagyo at unos ng buhay na ito na bigyan tayo ng takot. At alam natin na pagpumasok ang takot sa puso maski ng mananampalataya na, ito na ang simula ng paglubog … hanggat magpakumbabang humingi ng tulong at tayo’y sagipin ni Jesus. Ang takot at alinlangan ay hindi magandang combination. Mawawala tayo sa focus sa LORD. Kung gayon, baka ang breakthrough mararanasan ay pwedeng pansamantala lamang. Pero makakaasa pa rin tayo na sa ating kahinaan, takot, at alinglangan, ililigtas pa rin tayo ng ating Panginoon.


Ihanda mo ang iyong sarili sa breakthrough mula sa Diyos. Siguradong surprise ito. Aralin kung papaano talunin ang iyong takot at alinlangan. Matutong mag-celebrate ng small victories. Ituon ang pansin kay Jesus Christ. Huwag hayaan na agawin ng anumang problema ang iyong focus and attention sa ating Panginoon. Talunin ang ‘little faith’ sa pamamagitan ng katagumpayan laban sa takot at alinlangan.

Panalangin

Diyos Ama, patawarin Niyo po ako sa aking takot at pag-alinlangan sa Iyo. Madalas, mas madaling magduda kesa magtiwala sa Iyo. Kaya palakasin Niyo po ang aking pananampalataya upang ako’y makaranas nag iyong kapayapaan at breakthrough.

Sa pangalan ni Hesus, Amen. 

Pagnilayan:

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions