July 22, 2023 | Saturday

Himala Kahit Kulang Sa Mananampalataya

Today's verse: Matthew 13:58, FSV

Kaya't hindi siya gumawa roon ng maraming himala dahil sa hindi nila pagsampalataya.


Read: Matthew 4 

Kung sa hindi pagsampalataya ay may ilang himala, paano pa kaya kung may pananampalataya? Breakthrough ang tawag diyan.


Ang mga himala ni Jesus Christ ay hindi nahadlangan ng ‘kawalan ng pananampalataya’ ng mga tao. Ngunit naging resulta ng kawalan ng pananampalataya ay hindi nakagawa si Hesus ng maraming himala. Basahin muli ang Matthew 5:7 at yan ang mas mauunawaan mo. Pinili ni Hesus na wag nang gawad pa ng himala sa lugar na kinalakhan Niya. Bakit? Dahil ang mga tao ay may kakaibang pananaw kung sino talaga si Hesus. Questionable sa taumbayan kung sino ba talaga si Hesus. At kaalinsabay nun ay hindi pakikipag ugnayan ng mga taumbayan sa kung sino ba talaga si Jesus. At nagbunga ito ng ‘judgment’ nila sa credibility ni Jesus. At dahil dito naging bawas ang mga ginawang miracle ni Jesus Christ.


Kailangan natin ang miracles ni Jesus Christ sa ating buhay. Ang buhay natin mismo ay miracle na. Naniniwala man tayo o hindi sa kung sino ba talaga ang Diyos, hindi naging hadlang ang kawalan ng pananampalataya ng napakaraming tao sa Diyos para patuloy pa rin maging mapagbigay ng buhay sa tao ang Diyos. Dahil diyan ang tao ay naging buháy (alive) ngunit walang kabuhay-buhay (sense of life). Yes, mayroong madalas na medical healing, pero kapos karanasan mula sa Diyos para magkaroon din ng emotional or spiritual healing din. At dahil mabuti ang Diyos, nagagawaran pa rin ng rewards o accomplishments ang tao, bagamat hindi sapat at kumpleto.


It’s time na mas maging malaya tayo sa lawak at lalim ng pananampalataya sa Diyos. I-appreciate natin ang mga maliliit at malalaking mga bagay na regalo ng Diyos. Manampalataya tayo sa Kanya. Na maging ang pinakabuhay na alam natin ay galing lahat sa Kanya. Kung mananampalataya tayo sa Kanya, hindi lamang ilang miracle ang pwedeng mangyari. Maaaring higit pa sa mga inaasahan natin. Kung sa hindi pagsampalataya ng tao ay may ilang himala lamang na magawa ang Diyos, paano pa kaya kung dumarami mula sa mga tao ang pananampalataya mula sa mga tao? Breakthrough na ang tawag diyan.

Panalangin

Diyos Ama, salamat po sa Iyong pagtyatyaga sa amin anuman ang lebel ng kakulitan namin. Nawa ay mas magawa namin bilang mga mananampalataya na maniwala sa iyo. Basbasan Mo ang aming mga pami-pamilya na manampalataya at sumunod sa layunin ng Diyos. Pinapayagan po namin kayo na mas gumalaw ng malaya sa aming mga buhay. 

Sa pangalan ni Hesus, Amen. 

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions