July 20, 2023 | Thursday
Ang Mga ‘Silent Felt Needs’
Today's verse: Matthew 4:23–24, FSV
23 Nilibot ni Jesus ang buong Galilea sa pagtuturo sa mga sinagoga ng mga Judio at pagpapahayag ng Magandang Balita ng kaharian. Pinagagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao. 24 Kaya't kumalat ang balita tungkol sa kanya sa buong Syria. Dinala sa kanya ang lahat ng maysakit, ang mga pinahihirapan ng iba't ibang uri ng sakit at kirot, ang mga sinasaniban ng mga demonyo, ang mga may epilepsiya, at ang mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling.
Read: Matthew 4
May mga ‘silent felt needs’ ang mga tao na kailangan matugunan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Mabuting Balita, pakikipagkapwa, at pagkawang-gawa.
Si Jesus ang best example ng pagpapahayag ng Mabuting Balita, pakikipagkapwa, at pagkawang-gawa. Ayong sa ating napili na talata, si Hesus ay ‘naglibot’, ‘nagpahayag’, at ‘nagpagaling’. Ang isang malawak na lugar ng Galilee ang kanyang nilibot. Ang Mabuting balita ang kanyang walang sawang ipinahayag. Ang kaakibat nito ay pagpapagaling Niya sa mga maysakit at mga inalihan ng demonyo. Nang napansin ito ng mas maraming tao, siya ay naging in-demand. Ang nakakatuwa na sinabi ng Biblia ay “Silang lahat ay kanyang pinagaling.” Praise the LORD dahil kay Jesus Christ!
Tayo sa ating panahon ay may mga ‘silent felt needs’ din. Ang iba ay kayang itong itago sa pamamagitan ng mga ngiti at saya dala ng tagumpay sa ibang bahagi ng buhay. Ngunit hindi natin lahat maikakaila na ang mga ‘silent felt needs’ natin na ito ay kailangan ding matugunan. Ang mga ‘silent felt needs’ na ito ay kadalasan hindi kayang tugunan ng ating mga pansamantalang tagumpay o success and accomplishments, o maging ng mga bisyo o makasalanang mga kinagawian o habits. Jesus must enter our life for the ‘silent felt needs’ to be met and for our turning point to happen. Kailangan nating katagpuin tayo ni Jesus ang mga ‘silent felt needs’ ng ating pagkatao
Imbitahan natin si Jesus Christ sa ating buhay. Panatilihin natin Siya. Payagan natin Siyang galugarin o libutin ang lahat ng bahagi ng ating buhay. Payagan natin Siyang magpahayag ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng mga taong nagse-share sa atin ng mga katotohanan ng Bible. At sa pamamagitan din ng mga taong ginagamit ng mga tao ding ito na naglilingkod sa Diyos, ay tanggapin natin ang kagalingan mula sa Diyos. Anumang bahagi ng buhay natin ang nangangailangan ng kagalingan, payagan natin si LORD na katagpuin tayo sa ating mga ‘silent felt needs’.
Panalangin
Aming Diyos Ama, patawarin mo ako sa aking mga kasalanan. Aminado po ako na ako ay may mga ‘silent felt needs’. Pinapayagan ko po Kayo na gumalaw sa aking buhay. Katagpuin Niyo po ako. Nawa ako rin ay maging encouragement at daluyan ng pagpapala Mo sa ibang tao.
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Anu-ano ang iyong ‘silent felt needs’?
Ano ang role ni Jesus Christ para katagpuin ang ating mga ‘silent felt needs’?
May ibang tao na pwede din tayong gamitin ni Lord para maging Kanyang daluyan ng pagpapala. Sino ang pinapaalala sa iyo ng Diyos para iyong mabigyan ng time at ma-encourage?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions