July 18, 2023 | Tuesday

Mindful Sa Iyo Ang Diyos Sayo

Today's verse: Psalms 8:3-6, MBBTag

3Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay. 4Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati. Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala:


Read: Psalm 8 

Sa kaisipan at puso ng Maylalang, ang buhay mo ay pinahahalagahan higit sa ano pa man, buhay mo sa Kanya ay kayamanan.



Ang talata ay isang komposisyon ni David na nagpapakita ng kaluwalhatian ng Diyos at ang karangalan ng tao. Ang Diyos ay Manlilikha at lahat ng bagay ay Kanyang nilikha kasama ang tao. At ang tao ang pinahahalagahan sa lahat ng ginawa ng Diyos dahil ang tao lang ang nilikha sa wangis ng Diyos na may puso't isipan at may free will. Sa talata binigyang diin din ang malaking responsibilidad ng tao dahil sa karangalan at kapangyarihan na ibinigay sa kanya. Ito ay may kaakibat na malaking obligasyon, ang pamahalaan ang mga bagay na ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos.


Mahusay ang pagkagawa sa atin ng Diyos at wala itong pagkakamali. Perfect ang design dahil kalakip ang puso't isipan Niya nang pasimulan niya ang project na ito. Hindi rin nagtapos sa isang anyong tao ang pagkaporma ng Diyos. Nilagyan niya ito ng purpose upang mag function na ayon sa kanyang layunin. Ang salitang pahalagahan at pangalagaan ay "mindful" and "care" sa English. Ang ibig sabihin ay lagi tayong iniisip ng Diyos, kinukumusta, at parang sinasabi na huwag kang mag-alala dahil aalagaan ka ng Diyos.


Binibigyan tayo ng Diyos ng halimbawa upang ganapin ang ating mga responsibilidad na inilagay niya sa ating pangangalaga, "pahalagahan natin at pangalagaan dahil worth ito para sa kanya. anuman ito, kayamanan, oras at mga kaloob lalo na ang buhay na pawang sa kanya lahat ay mahahalaga. Kaya ganon din ang ating pagmamahal sa mga ito, iwaksi natin ang kasalanan at lahat ng kalayawan at bisyo na siyang sumisira sa imaheng Kristiano. Ipagkatiwala natin ang lahat sa Diyos at mabuhay tayo ng matiwasay. Gawin natin ang tama at nararapat.

Panalangin

Aming Ama, maraming salamat sa pagkagawa mo sa akin. Salamat sa iyong kamay namakapangyarihan na siyang nagporma sa akin upang ako ay mabuhay sa mundong ibabaw. Salamat din sa mga kaloob at ibat-ibang kabutihan mo sa akin. Sa pagpapahalaga at pag-aalaga mo sa akin sa bawat araw ng aking buhay. May pagsubok man ako, hindi ito nangangahulugan na hindi ako pinahahalagahan. Ngunit ito ay paraan Mo para pagtibayin ako. Tulungan mo akong i-discover ang purpose ko at kung papaano mag function ayon sa direksyon ibinibigay Mo. Sa pangalan ng Panginoong Hesu-Kristo, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Miguel Amihan Jr

Read Previous Devotions