July 15, 2023 | Saturday

May Gantimpala Sa Mga Naghahanap Sa Diyos

Today's verse: Hebreo 11:6, MBBTag

Hindi makapagbibigay-lugod sa Dios ang taong walang pananampalataya, dahil ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat maniwalang may Dios at nagbibigay siya ng gantimpala sa mga taong humahanap sa kanya.


Read: Hebrews 11 

May naghihintay na gantimpala sa mga naghahanap sa Diyos. Magiging abot kamay ito sa pamamagitan ng pananampalataya.


Apatnapung bersikulo ang Hebreo 11 na nagpapahayag tungkol sa pakahulugan ng pananmpalataya. At ang mga taong naging halimbawa “dahil sa kanilang pananampalataya” ay ang mga taong ay kinalulugdan ng Diyos dahil sa kanilang pananampalataya (v39). Kaya ang talata ay nagsasabi na ang pananampalataya ang requirements ng Diyos upang matamasa ang kanyang rewards. Otherwise, hindi Siya malulugod sa mga taong walang pananampalataya. Ang totoong may pananampalataya ay hindi ganti ang hinahanap. Kundi ang pagtitiwala sa Diyos at sa Kanyang Salita na ang lahat ng bagay na sinasabi niya at ipinapangako ay mangyayari. Ang nais talaga iparating sa atin ng talata ay ang desisyong paglapit sa Diyos kalakip ang pagtitiwala sa Kanya.


Faith is the oracle of God, o ang speaking place of God. Ang faith natin ang extension ng Diyos upang mapangyari ang lahat ng bagay. Kumikilos ang kamay ng Diyos kung kumikilos ang ating pananampalataya. At kapag kumikilos na ang ating pananampalataya then sumusunod na ang awa’t habag ng Diyos, ang kanyang miracles at ang kanyang kabutihan at ang gantimpala. Ang faith natin ay lumalago kapag sumusunod tayo at nagtitiwala sa Salita ng Diyos (v.3). Dahil ang salita ng Diyos ang foundation ng ating faith (Roma 10:17). Kaya ang gantimpala ay natural na lamang sa mga taong nagtitiwala at patuloy na naghahanap sa Diyos.


Paglaanan natin ng oras ang pagbabasa at pakikinig ng Salita ng Diyos. Dumalo tayo sa mga pagtitipon ng mga banal ng Diyos kung saan ipinapahayag ang Kanyang Salita. Matutong magtiis, magtiyaga at mananalangin sa tulong ng Banal na Spiritu na ang Salita ng Diyos ay maisapamuhay. Magkaroon tayo ng disiplina sa oras ng pagsamba at huwag nating hahayaan na may makakagambala sa paglago ng ating relasyon sa Diyos. Pakinggan natin ang mensahe ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod upang sa ganitong pamamaraan lumago tayo sa ating mga pananampalataya.

Panalangin

Aming Diyos kami ay lumalapit sa Iyo ng may kapakumbabaan, at itinataas ang iyong pangalan, gawin niyo po na bukas lagi ang aming spiritual ears at spiritual mind sayong mga salita, sa ganon mapakinggan namin ang iyong mga kapahayagan at tulungan niyo po kami na maisabuhay ang mga napakinggan namin. Patawad po sa mga kaabalahan at hindi na nabigyan ng sapat na pansin ang pakikinig ng iyong Salita.

Sa pangalan ng Panginoong Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Miguel Amihan Jr

Read Previous Devotions