July 12, 2023 | Wednesday

Ang Maliwanagan Ng Diyos Ang Puso

Today's verse: Ephesians 1:17-18, MBBTag

17 Idinadalangin ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at pagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang makilala. 18 Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong mga puso upang malaman ninyo ang pag-asa na para doon ay tinawag niya kayo, kung gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal,


Read: Ephesians 1 

May kalakip na pag-asa at pagpapala kung maliwanagan ng Diyos ang puso ng mga tao.


Nakakaalwan malaman ang dalangin ni Apostle Pablo para sa mga ipinagkatiwala ng Diyos sa kanya. Puno ito ng emosyon at katotohanan para sa ikabubuti ng mga mananampalataya. Isa nga sa mga pangunahin na panalangin ni Pablo ay ang maliwanagan ang puso ng mga taga-Efeso. Ayon kay Pablo, magdudulot ng pag-asa sa mga mananampalataya kung maliliwanagan ang kanilang mga puso. Higit pa doon ay magiging blessed sila ayon sa pagpapalang inilaan ng Diyos para sa mga banal. 


Ang mga believers sa panahon natin ay kailangang magpatuloy sa Panginoon no matter what! At para mangyari ito, kailangan nating ipinapanalangin ang bawat isa. Ipanalangin natin na liwanagan ng Diyos ang ating mga puso. Hindi natin dapat maliitin ang gawain ng pananalangin. Ang panalangin ng taong concerned sa ibang tao ay makapangyarihan. Nagdudulot ito ng kaliwangan ng Diyos sa mga puso ng mga tao na maaaring may mga pinagdadaanan sa buhay.


Ipanalangin natin ang bawat isa na mas maliwanagan ng Diyos ang ating mga puso. Maraming tao ang nadidiliman ang puso dahil sa pressures ng buhay. Sila’y sobrang naimpluwensyahan ng mga problema na umabot sa puntong nadidiliman na ang kakayanang mag-isip at magdecide ng tama. Never fall victim sa ganun. Kaya ang best ngayon ay malaman natin ang ating kalalagayang emotional at espiritual. At mula doon ay malaman natin ang mga pinanggagalingan ng mga worries and fears natin. Mas kilalanin natin ang ating sarili. Never nating hayaan mangyari na tayo’y pangunahan ng pride o galit. Masyadong malaking kabayaran na panahanan ang ating puso ng mga negatibong emosyon o desisyon. 

Panalangin

Aming Diyos Ama, panahanan nawa ng Iyong kaliwanagan ang aming mga puso. Pangunahan mo kami. Bigyan mo kami ng kapayapaan at pag-asa. Pagpalain mo kami.

Sa pangalan ni Hesus, Amen. 

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions