July 19, 2023 | Wednesday

Mangyayari Ang Kahilingan Mo

Today's verse: Matthew 15:27–28, FSV

27 Ngunit sagot ng babae, “Opo, Panginoon. Ngunit ang mga aso man ay kumakain ng mga mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang mga amo.” 28 Kaya't sumagot si Jesus sa kanya, “Babae, napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari para sa iyo ang hinihiling mo.” At gumaling ang kanyang anak na babae sa oras ding iyon.


Read: Matthew 15 

Mangyayari ang kahilingan ng isang tao kung loloobin ng Panginoon ang iyong makadiyos na kahilingan na may kalakip na malaking pananampalataya.


Ang pag-uusap ni Hesus at ng babaeng Canaanite ay nagkekwento ng kahalagahan ng dakila o malaking pananampalataya upang mapangyari ang importanteng kahilingan. Hindi karapat-dapat ang babae na humiling ng miracle para sa kanyang anak. Si Hesus ay limitado ang kanyang ministry para sa mga taga-Israel lamang. Ngunit sa kakaibang galawan at sa dakilang pananalita ng isang babae, nabago at na-'convince' niya si Hesus na pagalingin ang kanyang anak. Sagot ni Hesus sa kanya ay “Babae, napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari para sa iyo ang hinihiling mo.”


Minsan, sa hirap ng buhay mas madaling mag-give up kesa sa itaguyod at tayuan natin ang ating pananampalataya. Kadalasan ay mas maraming nangyayari na hindi mainam sa ating mga buhay. Yung mga tipong hindi tayo agree, o natatamaan ang ating pride, o di kaya’y hirap na tayo emotionally o physically kaya mas madaling desisyon na lang ang mag-give up. Kung sa palagay natin ay dapat na nga tayong mag-give up, may magandang katotohanan na kaisipan para hindi tayo mag-give up.


Don’t give up! Isipin natin ang kapakanan ng ating mga mahal sa buhay at mga taong malalapit sa atin. Anuman ang ating mahirap na situwasyon, hindi natin kailangan mag-give up para sa kanila. Lalo na kung para sa kapakanan ng ibang tao ang ating hinaing sa Diyos. Sa ganitong kalalagayan, tayo ay parehong makatao at makadiyos dahil iniisip natin ang kapakanan ng iba. At sa Diyos tayo nangungulit dahil Siya lamang ang may kapangyarihan upang i-’alter’o baguhin ang anumang negatibong kalalagayan na meron tayo.

Panalangin

Diyos Ama, itinataas ko sa Iyo ang kapakanan ng aking mga mahal sa buhay na malapit sa aking puso (sabihin ang pangalang nila: _________). Abutin Niyo po sila kasama ng aking mga kasama sa church o mga katrabaho. Magsalita po kayo sa kanila ng Iyong kagalingan at kapayapaan.

Sa pangalan ni Hesus, Amen. 

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions