July 31, 2023 | Monday
Diyos Ng Sukdulang Biyaya At Ng Katotohanang Nagpapalaya
Today's verse: John 1:1-2,14, MBBTag
1Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita. 14Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.
Read: John 1
Si Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao upang manirahan sa piling ng mga tao, para iparanas ang kagandahang-loob at ang katotohanan ng Diyos sa mga tao.
Naparito si Jesus sa mundo ng tao mahigit dalawang libong taon na ang nakakaraan. Si Jesus ay nagkatawang-tao. Ang tawag nito sa English at ‘incarantation’. Siya ay puno ng kaluwalhatian ng Diyos. Nakita Siya ni Apostle Juan at ng mga iba pang mga alagad. At sinabi pa ni Juan na siya ang kaisa-isang anak ng Diyos. Ang nakakamangha sa verse 1 ay parang katunog siya ng Genesis 1:1. Ginamit ni Apostle Juan, ang Old Testament verse ng Genesis 1:1 para iparating sa kanyang mambabasa na si Jesus ang tinutukoy dito.
Dapat pag-isipan ng mga tao sa panahon natin kung sino ba talaga si Jesus. Marami nang version ng iba’t-ibang Jesus ang nababalitaan natin. Pero walang tatalo sa kung ano ang pahayag ng Biblia kung sino ba talaga si Jesus. Malinaw sa Biblia na si Jesus ang Christ, ang Mesias, o ang Tagapagligtas. Siya ay Diyos na nagkatawang-tao. Malinaw din sa Biblia na dala ni Jesus ay hindi religion kung relasyon. At kung pagkakaroon ng relasyon sa Kanya ang isang tao, mararanasan ng taong iyon ang kagandahang-loob (o sukdulang biyaya) ng Diyos. At higit pa, ay malalaman ng tao ding iyon ang hatid na katotohanan ni Jesus Christ.
Naisin nating maranasan ang kagandahang-loob ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Naisin nating malaman ang katotohanan ni Jesus na nagpapalaya sa tao. Ninais ni Jesus na maging tao para maihatid sa tao ang biyaya at ang katotohanan ng Diyos. Huwag natin itong maliitin o balewalain ang mga ito. Kailangan natin ito ng higit sa anuman. Maniwala ka kay Jesus. Huwag nating hayaan na bulagin tayo ng karangyaan, kasalanan, o kaabalahan dala ng kasinungalingan ng diablo na nagsasabing hindi natin kailangan si Jesus. Maniwala ka. Magtiwala ka.
Panalangin
Diyos Ama, kailangan ko ang iyong biyaya (grace) at katotohanan (truth). Kahabagan mo ako. Tulungan mo akong maniwala sa Iyo at magtiwala sa Iyo. Ilayo mo ako sa kalayawan ng sanlibutan at sa kasinungalingan ng diablo. Iparanas Mo sa akin ang Iyong sukdulang biyaya at ang Iyong katotohanang nagpapalaya.
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Ano ang kagandahang-loob o sukdulang biyaya at katotohanan ng Diyos?
Papaano mararanasan sukdulang biyaya ng Diyos?
Papaano malalaman ang hatid na katotohanan ng Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions