August 11, 2023 | Friday
Ang Kamalayan Sa Diyos
Today's verse: James 4:13-15 (MBBTag)
13 Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami at kikita nang malaki.” 14 Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo'y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala. 15 Sa halip ay sabihin ninyo, “Kung loloobin ng Panginoon, mabubuhay pa kami at gagawin namin ito o iyon.”
Read: James 4
Ang pagpa-plano sa mga detalye ng ating buhay ay best na magagawa kung may lumalalim na kamalayan sa Diyos.
Si Apostle James ay malalim sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Meron siyang makabuluhang mga pananaw sa buhay para mas maipaliwanag ang pagsasagawa ng tunay na pananampalataya. Gaya ng pagpaplano sa buhay at ng mga detalye nito. Pinapaalala ni James na ang buhay ng tao ay maiksi at unpredictable. Ayon sa paliwanag ni James, kung mas lalawak at lalalim ang kamalayan ng tao sa Diyos, mas mauunawaan ng tao ang magplano ng may kamalayan sa Diyos.
Tayo bilang tao ay maraming pangarap sa buhay. Mga lugar na pupuntahan. Mga gamit o mga damit na gustong bilhin. Mga plano na gusto matupad. O kaya’y mga naisin na gustong mapangyari. Ang problem ay pwde tayong maging makasarili dahil sa mga ito. May mga pangarap na pansamantala. Gayunpaman, ang problem ay pwede na ang Diyos ay naisasantabi at hindi naaalala. Ano ang kailangang mangyari?
Alamin kung papaano lalago ang ating kamalayan o awareness sa Diyos. Kung ang tao, lalo na ang mananampalataya, ay mas magiging aware sa Diyos, mas nagiging madali ang pagpaplano dahil hindi na nakaka-pressure. Totoo na ang planong makasarili at hindi para sa karangalan ng Diyos ay nakakapressure. Ito kasi ay patungkol sa ating sarili at sariling pangalan natin ang nakataya. Kaya magplano ng may malalim na kamalayan sa Diyos. Hindi na nakaka-pressure, hindi ka pa makasarili.
Panalangin
Diyos Ama, nais ko po na makapagplano sa buhay ng may lumalalim na kamalayan sa Iyo. Ako po ay nagpapakumbaba sa Iyo. Kinikilala ko na ang tagumpay ko sa buhay ay galing lamang sa Iyo.
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Ano ibig sabihin ng may lumalalim na kamalayan sa Diyos (awareness of God)?
Ano ang kinalaman ng pagpaplano sa buhay sa kamalayan sa Diyos?
Papaano ko mas mapapalago ang aking kamalayan sa Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions