August 10, 2023 | Thursday
Karunungang Mula Sa Langit
Today's verse: James 3:17-18 (MBBTag)
17Ngunit ang karunungang mula sa langit, una sa lahat, ay malinis, mapayapa, maamo, mapagbigay, punô ng awa, masaganang namumunga ng mabubuting gawa, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari. 18Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan.
Read: James 3
Gustuhin mo ang karunungang mula sa langit dahil mas magiging blessed ka at mas magiging blessing ka.
Si Apostle James ay napaka-prangka sa kanyang pagpapahayag ng Salita ng Diyos. At isa sa kanyang pinapahayag ay ang “karunungang mula sa langit.” Para madescribe ang katuruang ito, ginamit niya ang mga salitang “malinis, mapayapa, maamo, mapagbigay, punô ng awa, masaganang namumunga ng mabubuting gawa, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari.” Complete opposite ito ng wisdom ng pinaghaharian ng “inggit at makasariling hangarin” (see v.14)
Kailangan natin ng karunungang mula sa langit. Maraming pakinabang sa ating pagkatao at sa ating pakikipag-kapwa kung tayo ay may karunungang mula sa langit. Hindi lamang tayo makaka-iwas sa karunungang "makalupa, makalaman at mula sa demonyo" (v.15), kundi mas magagawa natin ang kalooban ng Diyos at maging ang makadiyos na pkikipagkapwa-tao.
Alamin natin ang makadiyos na pkikipagkapwa-tao. Isinulat na ito sa Biblia. Tingnan mo kung paano ito ipinapaliwanag ng Bible lalo ng mula sa aklat ng James. Ating isapamuhay ang “karunungang mula sa langit” at lahat ng pakahulugan niyo: malinis, mapayapa, maamo, mapagbigay, punô ng awa, masaganang namumunga ng mabubuting gawa, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari.” Kung magkagayon, magkakaroon ng kapayapaan na nagbubunga ng katuwiran.
Panalangin
Diyos Ama, nais ko maging makabuluhan ang aking pakikipagkapwa-tao. Kaya, patawarin Niyo po ako sa aking pagkakamali at sa pakikipagkapwa-tao na mababaw kumpara sa Iyong pamantayan. Ipahayag Niyo po sa akin increasingly ang karunungang mula sa langit para ito’y aking maisapamuhay.
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Ano ang katangian ng “karunungang mula sa langit”?
Papaano matatamasa ang mga magagandang resulta ng “karunungang mula sa langit”?
Bakit may mga tao na binabalewala ang mga makadiyos na pamamaraan para hindi maging problemado?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions