August 2, 2023 | Wednesday

Si Jesus Na Nag-Aalis Ng Kasanalan

Today's verse: John 1:29-30, MBBTag

29 Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. 30 Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong ang dumarating na kasunod ko ay higit sa akin, sapagkat siya'y naroon na bago pa man ako ipanganak.

Read: John 1 

Isa sa pinakadakilang katotohanan tungkol kay Jesus Christ ay hindi Niya lang binabawasan ang kasalanan ng tao, kundi inaalis Niya ang kasalanan natin.


Si Juan Bautista ay New Testament prophet na nakuha ang attention ng mga tao dahil sa kanyang tapang na ilapit ang mga tao sa Diyos. At sa kalagitnaan ng kanyang pagmiministeryo ay pinansin niya si Jesus. At itinuro niya ang pansin ng mga tao patungo kay Jesus. Ang mga salita ni Juan Bautista ay, “Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan…” Sa isang typical na Hudio, ito ay napakayaman at napaka-prophetic na mga pananalita. Alam ng mga Judio na ang tupa ay mahalagang bahagi ng kanilang pagsamba sa Diyos bilang simbolo ng sakripisyo para sa ikakapatawad ng kasalanan. At sa papamagitan ni Juan Bautista, nabigyan ito ng mahalaga at napapanahong pansin at mas malinaw na pakahulugan.


Sa ating pagbalik tanaw sa nangyari sa pagtatagpo ni Jesus at ni Juan, magkakaroon tayo ng sariwang pananalig dahil sa katotohan na ang kasalanan na malaking hadlang sa ating pakikipagrelasyon sa Diyos ay sinagot na ni Jesus – bilang Kordero ng Diyos na hindi lamang binabawasan ang kasalanan, kundi inaalis ang kasalanan natin. 


It’s time na sariwain o mas unawain natin ang katotohanan na ito. Magkaroon tayo ng tunay na pananalig kay Kristo-Hesus. Ibigay natin ang lahat ng ating kasalanan at lahat ng negatibong pag-uugali na dala ng mga kasalanan natin. Ibigay din natin sa Diyos ang ating mga karamdaman, labis na pag-aalala, at maging ang mga kaabalahan sa buhay na naglalayo sa atin sa Diyos. Payagan natin si Jesus na bigyan ng mas malalim na kahulugan ang ating pagsamba, paggalang, at pagsunod sa ating Diyos Ama.

Panalangin

Aming Diyos Ama, naniniwala ako sa Iyong Anak na Si Jesus. Siya ang katubusan sa lahat ng aking kasalanan. Siya ang nag-sakrisyo para kami ay makalapit sa iyo ng walang pag-aatubili, walang alinlangan, at walang kasalanan. Hallelujah! Salamat sa pagkakataon na ito. Turuan mo akong pahalagahan ito. Gabayan mo ako para hindi masayang ang aking oras at pansin.

Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions