August 9, 2023 | Wednesday
Ang Makinig, Sumampalataya, At Tumawag Sa Diyos
Today's verse: Romans 10:14–15 (MBBTag)
14 Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila? 15 At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng Magandang Balita!”
Read: Romans 10
Ang pagbabahagi ng Salita ng Diyos ay ‘privilege’ at ‘responsibility’ ng isang mananampalataya. At ang pagsampalataya sa Diyos kapag binabahaginan ng Salita ng Diyos ay isang ‘opportunity’ ng isang tao na di pa Lord & Saviour si Jesus Christ.
Si Apostle Paul ay naging dedicated na tagasunod ni Jesus simula nang siya’y sumampalataya sa Panginoong Jesus. Ramdam niya at nalalaman ni Paul na kailangan maabot ang lahat ng tao ng Salita ng Diyos. Alam din niya na may bahagi ang tao nakakapakinig ng Salita na tumawag at sumampalataya sa Diyos. Ngunit alam din ni Paul na may bahagi din ang mananampalataya na mangaral o magbahagi ng Salita. Pero di lang basta-basta magbahagi ng Salita ng Diyos, kundi siya ay isinugo o in-assign na mangaral.
Nakakatuwang isipin na may process ang pagsampalataya sa Diyos. Bahagi ng tagapakinig ng Salita ng Diyos na makapakinig at makinig ng Salita ng Diyos. Kasunod ng pakikinig ay ang opportunity na manampalataya o maniwala. Only then na pwde na siyang tumawag sa Diyos. Ang mga ito ay posible lamang kung may mangangaral na in-assign at binigyan ng karapatan ng Diyos na ibahagi ang Salita sa mga tao.
Sa nagbabasa ng ganitong babasahin for the first time, ikaw ay inimbitahan na makapakinig at makinig ng Salita ng Diyos, na i-grab ang opportunity na manampalataya o maniwala, kasunod nito ay ang tumawag sa Diyos. At kung ikaw ay dati nang mananampalataya o believer ni Jesus Christ, ikaw naman ay inuutusan ni Lord na mangangaral sa kung saan at kung kanino ka in-assign at binigyan ng karapatan ng Diyos na ibahagi ang Salita sa mga tao.
Panalangin
Diyos Ama, aking tinatanggap ang katotohanan at utos Mo na ipinapahayag sa Romans 10:14–15. Nawa, ako man bagong mananampalataya o matagal na, ako’y maging masigasig na tagapakinig at tagasunod ng iyong Salita.
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Ano ang mga privileges ng isang taong makakapakinig pa lamang ng Salita ng Diyos?
Ano ang mga responsibiliies ng isang mananampalataya na pagbabahagi ng Salita ng Diyos?
Papaano magiging masigasig sa utos ng Diyos na ibahagi ang Kanyang Salita?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions