August 21, 2023 | Monday

Maging Matiyaga Hanggang Sa Pagbabalik Ng Panginoon

Today's verse: James 5:7-8 (MBBTag)

7 Kaya nga, mga kapatid, magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang mahalagang ani ng kanyang bukirin, at inaabangan ang pagdating ng tag-ulan. 8 Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.


Read: James 5 

Maging matiyagang magpatuloy ng matibay ang loob sa layuning ipinagkatiwala ng Diyos dahil alam mong magbabalik muli ang Panginoon.


May paghimok si James sa mga tagasunod ni Jesus Christ –– maging matiyaga. Maraming beses na inulit-ulit na ang mananampalataya ay dapat maging matiyaga. Para kay James, ito ay may waiting period – hanggang sa pagdating ng Panginoon; ito ay may paghahalintulad – tulad ng magsasaka; ito ay may tamang pag-uugali – matibay ang loob.


Sa ating panahon ngayon, napakahalaga na maging matiyaga. Gayunpaman, ang kahalagahan ng pagtitiyaga at natatalo ng “instant” na kaisipan. Parang pagkain na nasanay sa “instant food” o di kaya’y ng “fastfood”. Maraming tao ay maiksi ang pasensya. Dala ito ng ating kultura ng ating henerasyon. Kaya, lumalabas na malaki ang challenge sa isang believer. Tayo ba ay magiging matiyaga o maging mainipin?


Para maging matiyaga, sanayin natin ang ating sarili na maging matiyaga. Para masanay maging matiyaga, gawin natin ng may ‘commitment’ at may ‘consistency’ ang mga iniuutos ng Diyos. Ang pagsunod sa mga kalooban ng Diyos ng may katiyagaan ay nagsisimula sa ‘commitment’ at nagpapatuloy ng may ‘consistency’. Aralin natin ito. Kaya natin ito sa tulong ng Panginoon

Panalangin

Diyos Ama, turuan Mo po akong maging matiyaga. Bigyan mo ako ng ‘commitment’ at mg ‘consistency’ sa pagsunod sa Iyong kalooban. Alam ko na Ikaw ay magbabalik muli. 

Salamat po. Sa pangalan ni Hesus, Amen. 

Pagnilayan:

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions