August 23, 2023 | Wednesday

Mga Dapat Munang Pagsikapan

Today's verse: Matthew 6:33-34 (FSV)

33 Subalit pagsikapan muna ninyong matagpuan ang kaharian ng Diyos at ang kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo. 34 Kaya't huwag kayong mag-alala para sa araw ng bukas, sapagkat mag-aalala ang bukas para sa kanyang sarili. Sapat na para sa buong maghapon ang mga alalahanin nito.


Read: Matthew 6 

Sa dami ng mga pwedeng pagkaabalahan ng mga tao,  ang kaharian at katuwiran ng Diyos ang dapat pagsikapan munang matagpuan ng isang Kristiano.


Nang kausapin ni Jesus ang mga libo-libo Niyang mga tagasunod, dalawa sa mga topic Niya ay ang ‘kaharian ng langit’ at ang ‘katuwiran ng Diyos’. Sinimulang ituro ito ni Jesus na ‘pagsikapan muna’ sa panahon na kung saan may political instability at kawalan ng kalayaan ang mga Judio sa kanilang sariling bansa. Maraming Judio ang hindi sang-ayon sa pamumuno at pananakop ng Roman Empire. Gayunpaman, mapapaisip ka kung bakit hindi binanggit ni Jesus ang nakikitang pangangailangan ayon sa kalalagayan ng bansa. Bagkus ang mga nakikinig sa Kanya ay binigyan Niya ng spiritual solution dahil spiritual na pangangailangan ang dapat munang bigyan ng pansin. Kaya’t ang sabi ni Jesus ay ‘seek first’ o pagsikapan munang matagpuan ang kaharian at katuwiran ng Diyos. 


May dapat pagsikapan muna ang isang mananampalataya. Ang anumang alalahanin at paghahabol sa mga bagay-bagay ay hindi makakatulong. Ang alalahanin man ang mas ramdam at mas nakikita natin, pansamantala lamang na solution ang kaya nitong ihatid sa tao. Ang pagdating ni Jesus sa mundo bilang Diyos na nagkatawang tao ay pagpapahayag na andito na sa kalagitnaan natin ang kaharian at ang katuwiran ng Diyos. 


Dapat ‘pagsikapan muna’ ng tao na matagpuan ang kaharian at ang katuwiran ng Diyos. Pansinin ito. Mas bigyan ng diin ang pagsisikap natin na kilalanin ang Diyos at mapagharian tayo ng Diyos. Maraming tao ang masikap sa pag-aalala para sa kinabukasan. Pwede naman hindi ito at the expense ng kaharian at ng katuwiran ng Diyos. Ang best na panlaban sa labis na ‘worry’ ay ang unahing matagpuan ang kaharian ng Diyos at makibahagi sa katuwiran ng Diyos. 

Panalangin

Diyos Ama, maraming kaguluhan sa aking isip at puso. May mga bumabagabag sa aking damdamin. Ngayon, kailangan ko na ako’y Iyong pagharian. Kailangan ko rin ang Iyong katuwiran sa aking buhay. Itama mo ang mga mali kong pananaw, mali kong mga emosyon, at mga mali kong mga desisyon.

Pagharian ako ng Iyong Anak na si Jesus, Amen. 

Pagnilayan:

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions