August 24, 2023 | Thursday

Nilikha Kay Cristo Jesus Para Sa Mabubuting Gawa

Today's verse: Ephesians 2:10 (FSV)

Sapagkat tayo ang kanyang gawa, na nilikha kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na inihanda ng Diyos noong una pa man upang ating ipamuhay.


Read: Ephesians 2 

Tuklasin mo at gawin mo ang mga inihanda na ng Diyos na mga mabubuting gawa na particular na para sa iyo. 


Ang Bible ay madiin na nagtuturo na ang bawat taong naligtas na dahil sa pananalig ay may mission na mula sa Diyos. Ang mission na ito ay mga mabubuting gawa na inihanda na ng Diyos para sa Kanyang mga anak “na nilikha kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa”. At nakabase ito sa bagong identity ng mananampalataya. The moment na ma-born-again o maligtas by faith not by works ang isang tao, siya ay nagkaroon ng mission mula sa Diyos. At ang sabi ni Apostle Pablo, dapat natin itong ipamuhay.


Naatasan tayong mga manananmpalataya na hindi lamang tuklasin kundi gawin natin ang mga inihanda na ng Diyos na mga mabubuting gawa. Madiin na ipinapaalala sa atin na tayong ligtas na ay italaga natin ang ating sarili sa paggawa ng mabuti. Ngunit, tandaan na hindi lahat ng mabuti ay gagawin natin. May mga nakatalaga na sa bawat isa sa atin. Ang mga ito ay inihanda na at itinalaga na ng Diyos per tao. Tawagin natin itong mga gagawin na ito bilang ating ministries.


Ipagpatuloy ang pagtuklas sa mga gagawin mong mabuti. Paghusayin mo ang iyong sarili sa paggawa ng mabuti. Manalangin na ika’y magkaroon ng sapat na kakayanan at sapat na kayamanan para patuloy na magawa ang ministries. Palaguin ang iyong spiritual gifts. Magpasanay sa iyong leader para sa mga kinakailangang skills. Makiisa sa mga kapwa mananampalataya at churchmates. At huwag kalimutan bilang anak ng Diyos habang ginagawa ang iyong ministries – pahalagahan ang pagiging humble at teachable.

Panalangin

Diyos Ama, naniniwala ako na ang paggawa ng mabuti ay hindi para maligtas. Kundi gumagawa ng mabuti ang mga ligtas. Lord, iconfirm mo sa kalooban ko na ako na nga ay ligtas. At kung ako nga ay genuine nang anak ng Diyos, tulungan mo akong tuklasin at paghusayin pa ang natural and spiritual gifts para mgawa ko ng may pagpapakumbaba ang ministries na ipinagkakatiwala mo sa akin.

Sa pangalan ni Hesus, Amen. 

Pagnilayan:

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions