August 25, 2023 | Friday
Mag-Alay Kayo Sa Diyos Ng Mga Handog Na Espirituwal
Today's verse: 1 Peter 2:5 (MBBTag)
Tulad ng mga batong buháy, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo
Read: 1 Peter 2
Iba ang nagagawa ng sama-samang pagsamba sa Diyos ng Kanyang mga anak.
Ang tawag ni Apostle Pedro sa bawat mananampalataya ay mga batong buháy. At ayon kay Pedro, pag nagsasama-sama ang mga mananampalataya bilang mga batong buháy, sila ay nagiging isang templong espirituwal. Sa pagsasama-sama ng may pagkakaisa ay nakakapag-alay ng handog na kalugod-lugod si LORD.
Ngumingiti ang Diyos kapag may sama-samang effort ang Kanyang mga anak. Ang sama-samang pagkakaisa dahil kay Kristo ay nakakapagbigay ng kakaibang saya sa Diyos. Malaki ang nagagawa ng sama-samang pagkakaisa dahil sa pamamagitan nito ay mas napaparangalan ang Diyos, nasasamba ang Diyos ng ayon sa Kanyang kalooban, mas nararanasan ang mga himala ng Diyos, at nagagawa na maging mas matatag. Hindi madaling matinag ang mga anak ng Diyos na nagsasama-sama ng may lumalagong pakikipag-ugnayan kay Jesu-Kristo. Ang relasyon sa kapwa Kristiano ay mas lumalapit at tumitibay.
Bawat isa sa atin ay maging pawang mga batong buháy para sa Panginoon. Pasiglahin natin ang ating individual na pananampalataya. Kasabay nito ay ang ating umuunlad na pakikipagsalamuha at lumalalim na pagsamba ng sama-sama. Pagsikapan natin ito. Ipanalangin natin ito. Itaguyod nating ito ng may pananaw na nakamasid si Lord. Ingatan natin ang ating puso. Maging matayog tayong templo para sa sama-samang pagsamba at paglilingkod sa ating Panginoon.
Panalangin
Diyos Ama, sambahin ka ng aming buong puso. Mapaglingkuran ka namin ng sama-sama. Sa pamamagitan ng Iyong anak na si Jesus, kami ay sama-samang maging masigasig sa pagkakaisa at matatag na templo Mo.
Salamat sa pagkakataon na tawaging makiisa sa kapwa mananampalataya. Ikaw ang lahat sa amin. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Ano ang pakahulugan na ang mga mananampalataya ay pawang mga batong buháy para sa Panginoon?
Ano ang kahalagahan ng pagsasama-sama ng mga mananampalataya bilang templong espirituwal?
Papaano ang mag-alay sa Diyos ng handog na espirituwal?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions