August 31, 2023 | Thursday

Umibig Sa Diyos Ng Walang Maliw

Today's verse: Ephesians 6:23-24 (FSV)

23 Pagkalooban nawa ng kapayapaan ang mga kapatid, at ng pag-ibig na may pananampalatayang mula sa Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. 24 Ipagkaloob nawa ang biyaya sa lahat ng mga umiibig nang walang maliw sa ating Panginoong Jesu-Cristo


Read: Ephesians 6 

Ang walang maliw na pag-ibig kay Kristo-Hesus ay bunga na mahabang panahon ng pananampalataya, pagkilala, at pag-sunod ng believer sa Panginoong Jesus. 


Binanggit ni Pablo ang mga salitang kapayapaan, pag-ibig, pananampalataya, at biyaya (grace) sa loob ng dalawang verses lamang. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng mga ito sa pagpapatuloy ng mananampalataya sa pamumuhay Kristiano. Ngunit kapansin pansin na may ipagkaloob na biyaya (grace) mula sa Diyos na ibang level para sa lahat ng umiibig kay Kristo-Hesus nang walang maliw. Ano ba itong ibang level ng biyaya para sa mga umiibig kay Kristo-Hesus ng walang maliw? 


Noon hanggang ngayon, ang Kristianong mananampalataya na umibig sa Diyos ay hindi mananatili sa same level ng pamumuhay Kristiano. Ang walang maliw na pag-ibig niya kay Kristo-Hesus ay hindi basta-basta lumitaw. Ang walang maliw na pag-ibig ng believer kay Kristo-Hesus ay bunga ng mahabang panahon ng pananampalataya, pagkilala, at pag-sunod niya sa Panginoong Jesus. Ito ay tamang tugon mula sa nagpapatuloy na believer. Siya ay may pananaw na anuman ang dumating na unos o problema sa buhay ay magagawa niya pa ring magpatuloy ng may pananampalataya, pagkilala, at pag-sunod sa Diyos. Alam ni Pablo na hindi ganun kadali ang umusad sa paglago. Kaya ang prayer niya sa atin (na maging prayer din natin sa bawat isa sa atin) ay ang “Ipagkaloob nawa ang biyaya sa lahat ng mga umiibig nang walang maliw sa ating Panginoong Jesu-Cristo.”


Magpatuloy tayo sa ating pagsunod sa Diyos. Hangarin natin ang Kanyang kapayapaan at pag-ibig nang may pananampalataya. Mas matutunan natin ang ibigin ang Diyos ng walang maliw. Huwag magmadali. Tiyagain na makasunod sa Diyos araw-araw. Tiyakin araw-araw na tayo ay umiibig nang walang maliw sa ating Panginoong Jesu-Cristo. 

Panalangin

Aking Diyos Ama, nais kong umibig sa Iyo ng walang maliw. Madalas na madaling mag-give up o manlupaypay sa pananampataya kapag may problema. Turuan mo ako simula ngayon na mas pahalagahan ang aking pag-ibig sa Iyo. At sa tumatagal na panahon na ako ay mas matutong sumunod kahit mahirap ang sitwasyon. Hindi man madali ang utos Mo, ay makita ko ang aking sarili na nagagawa na umibig sa Iyo ng walang maliw.

Mahal kita Panginoong Jesus. Sa iyong Pangalan, Amen. 

Pagnilayan:

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions