June 1, 2023 | Thursday
Tunay Na Malasakit
Today's verse: Jonah 4:11-12 – MBBTag
10 Sinabi ni Yahweh, “Tumubo ang halamang iyon, lumago sa loob ng magdamag, at namatay kinabukasan. Wala kang hirap diyan ngunit nalungkot ka nang iyan ay mamatay. 11 Ako pa kaya ang hindi malulungkot sa kalagayan ng Nineve? Ito'y isang malaking lunsod na tinitirhan ng mahigit na 120,000 taong hindi alam kung ano ang mabuti o ang masama, bukod pa sa maraming kawan!”
Read: Jonah 4
Papaano magmalasakit ang mananampalataya o anak ng Diyos?
Ang pag-uusap ni propeta Jonah at ng Diyos na si Yahweh ay pag-uusap tungkol sa kalalagayan ng Nineveh, capital city ng Assyria. Mababasa na si Yahweh ay nagpapahayag ng kanyang damdamin para sa mga tao ng Nineveh kumpara sa damdamin ni propeta Jonah sa halaman na kanyang nasilungan. Mababasa na si Yahweh ay may malaking concern maski para sa masamang bansa.
Sa buhay natin, tayo ay may kanya-kanyang hinaing. Madalas damang-dama natin ang mga hinaing na iyun. Nagdadala ng kabigatan ang mga ito sa ating kalooban. Ngunit kailangan din nating ikumpara ang nararamdaman natin sa nararamdaman ng Diyos para sa ibang tao. Unawain natin na mas malaki ang concerns ng Diyos lalo sa spiritual na kalalagayan ng tao. Ikumpara ang concern ni propeta Jonah sa “halamang iyon, lumago sa loob ng magdamag, at namatay kinabukasan” sa concern ni Lord sa “mahigit na 120,000 taong hindi alam kung ano ang mabuti o ang masama, bukod pa sa maraming kawan!”. Para maunawaan ni propeta Jonah ang kaisipan ng Diyos, kailangan niyang ma-overcome ang mabigat na damdamin na meron siya laban sa mga taga Nineveh.
Kailangan nating magkaroon ng malasakit sa ating kapwa. Para ang tunay na malasakit ay magawa, kailangan nating maging ‘unselfish’. Katulad ni propeta Jonah, hindi ganun kadali magmalasakit lalo kung may nagawang mali sa iyo. Ngunit ang puso ng Diyos ay talagang kakaiba. Gusto niyang magkaroon tayo ng malasakit maski sa mga taong nagawan tayo ng masama. Tayo bilang mga nagsasabing anak tayo ng Diyos, kailangan natin malaman, madama, at maibahagi ang klase ng malasakit na meron ang Diyos sa ibang tao. Alamin natin ang puso ng Diyos para sa ibang tao. Alamin natin ngayon kung kanino at kung papaano tayo magpapakita ng malasakit sa ibang tao.
Aming Diyos Ama, Ikaw ang Diyos na tunay na may malasakit sa mga tao. Tulungan Mo kami na magkaroon din ng malasakit sa mga taong nais mong pagmalasakitan namin. Liwanangin Mo po ang aming spiritual na paningin para makita’t maunawaan namin ang iyong kalooban. At malakaran namin ito ng bukal sa aming puso.
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Ano ang ibig sabihin ng malasakit ayon sa Jonah 4:11-12?
Papaano magmalasakit ang mananampalataya o anak ng Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions
Papaano magkaroon ng tamang tugon sa anumang nangyayari sa ating kapwa?
May 30, 2023