May 29, 2023 | Monday

Ang Taggutom Sa Salita Ng Diyos

Today's verse: Amos 8:11-12 – MBBTag

Sinabi ng Panginoong Yahweh, “Darating din ang araw na papairalin ko sa lupain ang taggutom. Magugutom sila ngunit hindi sa pagkain; mauuhaw sila ngunit hindi sa tubig, kundi sa pakikinig ng aking mga salita. Mula sa hilaga papuntang timog, mula sa silangan hanggang sa kanluran, hahanapin nila ang salita ni Yahweh, subalit iyon ay hindi nila matatagpuan.


Read: Amos 8

Ang Salita ng Diyos ay dapat bigyan ng sapat na pansin at huwag madalas na balewalain. 


Si propeta Amos ang nagsabi na darating ang panahon na magkakaroon ng taggutom sa pakikinig ng Salita ng Diyos. Ang major na kadahilanan ay ang pagiging relihiyoso noon ng mga Israelita, pero hindi sumusunod sa mga alituntunin at utos ng Diyos. Ang mga tao ay nakakarinig pero hindi nakikinig. Kaya ang hatol ng Diyos ay ang magtalaga ng araw na magkakaroon ng taggutom sa pakikinig ng Salita ng Diyos. Historically, dumating sa panahon ang Israel at Judah na nanahimik ang Diyos ng 400 taon at hindi Siya nagpadala ng propeta para mangusap sa kanila. 


Isipin nating mabuti kung gaano kahalaga ng tubig at pagkain. Parang ang hirap ma-imagine na mawala ang mahahalagang sagkap na ito ng ating buhay. Taggutom ito at maraming tao ang mahihirapan. Paano pa kaya kung ang taggutom ay sa Salita ng Diyos? Well, depende ito sa ating nakasanayan. Halimbawa, meron o walang marinig na Salita ng Diyos ay ok lang sa iyo. Pero kung ikaw yung tipo ng tao na sanay na laging nakakapagbasa o nakakapakinig ng Salita, mahihirapan ka sa walang naririnig na Salita! Pareho ang hirap na mararanasan mo sa kawalan ng tubig o pagkain. Saglit na isiping mabuti ito: ano na ang nakasanayan mo pagdating sa pakikinig ng Salita ng Diyos? Nakadepende sa sagot mo ang level ng hirap sa damdamin kung sakaling may taggutom sa pakikinig ng Salita ng Diyos.


Siyasating mabuti ang ating mga sarili. Maraming tao, believer man o unbeliever, ang nakikinabang ngayon sa masaganang supply ng Salita ng Diyos. Pansinin man o hindi ang Salita, makikinabang at makinabang tayo. Parang sa pagkain at tubig lang din. Pahalagahan o hind pahalagahan, nakikinabang pa rin ang lahat ng tao. Ito ay katotohanang naabuso. It's time na mas pahalagahan natin ng tunay ang pakikinig ng Salita.

Aming Diyos Ama, patawarin mo kami at madalas nababale-wala namin ang kahalagahan ng Salita Mo. Namamaliit namin ito dahil madalas Kang nangungusap sa maraming kaparaanan. Simula ngayon, nawa mabigyan namin ng sapat na pansin at pagpapahalaga ang Iyong Salita. 

Salamat po. Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions