May 26, 2023 | Friday

Meron Ka Bang Strong Conviction?

Today's verse: Daniel 3:17–18 – MBBTag

17 Gawin ninyo kung iyan ang gusto ninyo. Ang Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa naglalagablab na pugon at mula sa inyong kapangyarihan. 18 Kung hindi man niya kami iligtas, hindi pa rin kami maglilingkod sa inyong mga diyos ni sasamba sa rebultong ginto na ipinagawa ninyo.”


Read: Daniel 3

Ang ‘godly conviction’ ang isa sa mga nagpapahayag ng tunay na pananampalataya.


Ang mga kabataang magkakaibigang sina Shadrac, Meshac, at Abednego ay nalagay minsan sa alanganing sitwasyon. At sa sitwasyong ito, ang kanilang pananampalataya at buhay ang nakasalalay. Sila ay napunta sa bingit ng kamatayan dahil sa pagtayo nila sa kanilang pananampalataya. Ang nais ng hari ay sila’y sumamba sa ginawang malaking diyos-diyosang ginto. Ngunit naka-reserve ang kanilang pagsamba sa iisang Diyos. Ito ang basehan sila. Iligtas man sila o hindi, para sa magkakaibigan, ang kanilang pagsamba ay kay Yahweh lamang.


Dahil sa kanilang ‘strong godly conviction’, ay di nila sinunod ang utos ng isang hari. Sinuway nila ang utos dahil ang utos ay pagsuway sa Diyos. Ang gawaing pagsamba ay naka-reserve para sa tunay na Diyos lamang. Kapag ang isang tao ay may ‘strong godly conviction’, walang anumang klaseng makamundo o di makadiyos na pressure ang pwedeng makatinag sa kanya. Ito ang dapat na lumago sa mga mananampalataya. ‘Conviction’ is a strong belief that you are willing to die for. Ang ‘conviction’ ay ang paniniwalang pinanghahawakan mo at di mo bibitiwan anuman ang pressure sa paligid. Under pressure, malalaman kung ang isang tao ay may ‘strong goldy conviction’. At ito ang malakas na ipinapahayag ng story ng tatlong magkakaibigan. Meron silang conviction base sa paniniwala nilang si Yahweh lamang ang karapat-dapat na sambahin.


Alamin natin bilang mananampalataya ni Hesu-Kristo kung ano ba talaga ang ating pinaniniwalaan. May mga non-negotiables na itinuturo sa Bible. Mahalaga na meron tayong ‘biblical stand’ sa mga paniniwala tungkol sa pagsamba sa Diyos, kaperahan, pagnanalita, paggawa ng mabuti, at iba pa. Palakasin natin ang mga ito. At kung sakali na hamunin tayo ng pagkakataon at pine-pressure tayong sumuway sa Diyos, tayo ay may ‘strong godly conviction’ na ating tatayuan … anuman ang kahihinatnan nito. Huwag maging makasarili. Sundin pa rin ang Diyos.

Aming Diyos Ama, maraming pressures sa paligid na pilit kaming tinuturuang sumuway sa iyong utos. Madalas malakas ang pressures para maging makasarili. Turuan mo ako ngayon pa lang na maging matatag sa anumang darating pa na makamundong pressure. 

Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions