May 25, 2023 | Thursday

Bagong Puso At Bagong Espiritu

Today's verse: Ezekiel 36:26–27 – MBBTag

26 Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin. 27 Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.


Read: Ezekiel 36

Ang pagbabago sa buhay ng tao ay nagmumula sa puso. Ito’y natural at di pahirapang nagagawa.


Si Ezekiel ay propeta ni Yahweh na nagdala ng mensahe patungkol sa pagkakaloob ni ng Diyos ng bagong puso at bagong espritu. Unawain natin na ang panahon na ibinigay ng Diyos ang mensahe na ito ay ang panahon na maraming hindi nakakatuwa sa kalalagayan ng Israel. Ang mga tao simula sa hari hanggang sa mga mamayan ay natural na masuwayin. Higit pa rito, ang lahat ay halos walang ka-effort effort na sumasamba sa diyos-diyosan. Pinalitan nila ang ‘allegiance’ nila kay Yahweh ng pagsuway. At ang pagsamba nila ay sa mga diyos-diyosan na kesa sa tunay na Diyos. Nakakalungkot, ang mga tao ay tumalikod na sa Diyos. Ngunit hindi pa rin nag-give up ang Diyos sa kanyang minamahal na bayang Judah at Israel. Nangako ang Diyos na ‘Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin.’ May kinabukasan ang Judah at Israel bilang mga masunurin sa Diyos.


Nananawagan ang Diyos sa panahon natin ngayon na tayo’y manumbalik sa Kanya. Sa pinaka-worst  na kalalagayan ng puso ng tao ay pwde pa rin na magkaloob ang Diyos ng pagbabago. Ito ay sa pamamaraan na ang mga tao ay magawang sumunod sa Diyos ng kusa at hindi sapilitan. Ang kinailangan ay ang ‘bagong puso at bagong espiritu’. Kung magkagayon, magkakaroon ng revival sa puso ng mga tao na magdulot ng pagbabago sa buhay dala ng malayang pagsunod sa Diyos. Ito ay pangako ng Diyos. 


Tayo’y humiling sa Diyos ng ‘bagong puso at bagong espiritu’. Hindi natin kaya sa ating sarili ang sundin at igalang ang Diyos na ganang atin lamang. Ang ‘bagong puso at bagong espiritu’ na kaloob mula sa Diyos ang magdadala sa mananampalataya sa panibagong level ng pagsunod. Kasabay nito ay ang pusong masunurin at hindi masuwayin. Dahil na rin sa Holy Spirit, tayo’y magkakaroon ng pagkatao na nakakasunod ng malaya sa mga alituntunin at mga utos ng Diyos. Walang sapilitan kundi malayang pagsunod lamang.

Aming Diyos Ama sa langit, salamat sa pag-asa na kami’y makakasunod na ng malaya sa iyo. Salamat dahil ikaw nagkakaloob ng bagong puso at bagong espiritu. Panalangin namin na mas higit na masunod at maparangalan Ka sa pamamagitan ng aking buhay. Bigyan mo kami ng ‘bagong puso at bagong espiritu’. Maraming salamat. Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions