May 21, 2023 | Sunday

Kapayapaan, Kagalingan, Kapatawaran, At Kaligtasan

Today's verse: Isaiah 53:5-6 – ABTag2001

5 Ngunit siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, siya'y binugbog dahil sa ating mga kasamaan; ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo. 6 Tayong lahat ay gaya ng mga tupang naligaw; bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan; at ipinasan sa kanya ng Panginoon ang lahat nating kasamaan.


Read: Isaiah 53

Si Hesu-Kristo ay nasugatan at binugbog upang tayo ay makaranas ng kapayapaan, kagalingan, kapatawaran, at kaligtasan.


Ang aklat ng Isaiah ay aklat mula sa Old Testament. Ang nagsulat ay si Isaiah na isang propeta. Sa kanyang isinulat sa chapter 53, may tinutukoy siyang isang character na may napaka-espesyal na layunin o ‘mission’. Ngunit lubhang hindi magiging madali sa kanya para itong layunin na ito ay matupad. Para makamit ang layunin na kapayapaan, kagalingan, kapatawaran, at kaligtasan para sa mga tao, kailangan ng character na ito ang masugatan, mabugbog, at mamatay. Kailangan niyang pasanin ang kasamaan ng mga tao para matupad itong dakilang layunin o ‘mission’.


Sa panahon ng New Testament hanggang sa panahon natin, nalalaman natin na ang may espesyal na mission na ito ay si Hesu-Kristo. Si Hesu-Kristo ay nasugatan, binugbog at pinatay upang makamit natin mula sa Diyos ang kapayapaan, kagalingan, kapatawaran, at kaligtasan. Sa ibang salita, hindi na natin kailangang maparusahan dahil sa ating mga pagsuway sa Diyos. Sa pamamagitan ni Hesus, ipinapasan sa Kanya ng Panginoon ang lahat ng ating kasamaan. Yes, lahat po. Walang ibang paraan upang ang kinakailangan nating kapayapaan, kagalingan, kapatawaran, at kaligtasan ay ating matanggap mula sa Diyos ng bukod kay Hesu-Kristo. Si Hesus lamang ang may kakayanang magbigay nito. 


Ano ngayon ang tamang tugon? Ang tamang tugon ay hindi ang maawa tayo sa sinapit ni Hesus. Hindi rin ang pagsapi sa isang religion. Hindi rin ang pagpapakabuti. Ang paggawa ng mabuti ay bunga na lamang ng tamang relasyon sa Diyos. Ang tamang tugon ay ang pagpapakumbaba sa Diyos, pag-amin na tayo’y mga nagkasala, at paniniwala kay Hesu-Kristo para sa regalo ng Diyos na kapayapaan, kagalingan, kapatawaran, at kaligtasan. Ang mga ito ang priority nating kinakailangan.

Ama sa langit, ako po ay nagpakumbaba sa Iyo at umaamin na ako’y nagkasala. Ako rin ay maniwala sa iyong anak na si Hesu-Kristo. Kailangan ko ang iyong kapayapaan, kagalingan, kapatawaran, at kaligtasan. Salamat po sa pag-abut niyo po sa akin ng may pag-ibig. 

Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions