May 19, 2023 | Friday

Ang Buong Katungkulan Ng Tao Sa Diyos

Today's verse: Ecclesiastes 12:13-14 – MBBTag

13 Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. 14 Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay ipagsusulit natin sa Diyos.


Read: Ecclesiastes 12

Napakahalaga na malaman ng bawat isa ang buong katungkulan ng tao sa Diyos.


Si Haring Solomon ang pinaka matalino at pinaka marunong na tao sa buong mundo. Siya ang nakadiscover at naglathala na may katungkulan o ‘duty’ ang tao sa Diyos. Ito ang ipinaliwanag niya sa aklat ng Ecclesiastes. In-explain niya na may dalawang gawain na nakapaloob sa katungkulan ng tao sa Diyos: ito ay ang magkaroon ng banal na takot o paggalang sa Diyos at ang sundin ang Kanyang mga utos. Ipinaparating din ni Haring Solomon na may araw ng pagsusulit o judgment day. Dito sa araw na ito ay ipagsusulit ng lahat ng tao sa Diyos ang lahat ng ginawa niya. Ito ay “hayag man o lihim, mabuti o masama”. 


Kung may tamang pananaw, ang katotohanan na inihahayag ng Ecclesiastes 12:13-14 ay nakaka-encourage. Ito ay nakakapagpalakas ng loob sa atin dahil mas mabibigyan ng tamang tuon ang mga dapat nating gawin. Hindi na natin kailangan na mag-imbento o manghula kung ano ba talaga ang naisin ng Diyos mula sa mga tao. Ang kailangan lang ay madiscover natin sa lumalagong pamamaraan ang kalooban ng Diyos. Kalahati ng buong katungkulan ng tao ay kung tayo ay magkakaroon ng banal na pagkatakot o paggalang sa DIyos. Ang other half nito ay unti-unting malaman ang mga detalye ng mga utos, ang mga alituntunin, at ang kalooban ng Diyos. At kung tayo ay gunuine na anak ng Diyos, ang rewards ng ating pagsunod sa Diyos ay kaanta-antabay. Kumbaga ay worth the effort and worth the wait. Truly exciting!


Tara! Mamuhay tayo ng may paggalang sa Diyos. Igalang natin ang Diyos at sundin natin ang Kanyang mga utos. Huwag ng patumpik-tumpik. Maging pro-active. Magkaroon ng tamang pananaw. Huwag tayong tamarin. Bagkus magkaroon tayo ng ‘commitment’, ‘dedication’, at ‘consistency’ sa paggalang at pagsunod sa Diyos. Maging masipag tayo sa paggawa ng mabuti. Maging dedicated at consistent tayo sa pagkakaroon ng daily devotions. Lahat ng ito ay may pakinabang sa ating pagtugon sa buong katungkulan ng tao sa Diyos.

Aming Diyos Ama, nagpapakumbaba po akong humihiling na tulungan mo akong magbigay ng paggalang sa Iyo. Turuan mo akong madiscover ang Iyong kalooban para mas masunod kita.

Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions