May 17, 2023 | Wednesday
Ang Paggalang At Pagsunod Sa Diyos
Today's verse: Proverbs 9:10 – MBBTag
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman.
Read: Proverbs 9
Ang aklat ng Kawikaan ay puno ng karunungan kung paano mamuhay ng may paggalang at pagsunod sa Diyos.
Para sa nagsulat, ang karunungan sa buhay ay nagmumula sa paggalang at pagsunod kay Yahweh. Kanyang itinuturo ng may diin na kailangan pareho ang paggalang at pagsunod. Interestingly, sa Ang Biblia 2002 translation ng Proverbs 9:10, ang pagkakausulat ay “Ang takot sa Panginoon ang pasimula ng karunungan, at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.” Ang “takot sa Panginoon” ay tinumbasan ng mga salitang “paggalang at pagsunod kay Yahweh“ ng ating napiling Tagalog translation. Pareho silang tama. Ang nauna ay ‘dynamic translation’ (MBBTag) at ang pangalawa ay mas ‘literal tanslation’ (ABTag). Pareho nilang sinasabi ang mahahalagang requirements upang masimulang matanggap ang karunungan ng Diyos. Sa Biblia, ang ‘takot sa Panginoon’ ay mahalagang katangian ng isang tao.
Tayo bilang mga lumalagong Kristiano ay nararapat na malaman ang pakahulugan ng ‘takot sa Panginoon’. Kumbaga mas magiging promising ang buhay Kristiano lalo kung malaman natin ang ibig sabihin ng ‘takot sa Panginoon’. Kung gayon, marami ang mas magiging marunong sa buhay. Mas lesser number of people ang may mga maling desisyon, maling relasyon, maling pananalita na ang resulta ay mga kabiguan at depression. Bakit? Kasi ang resulta ng paggalang at pagsunod sa Diyos ay karunungan sa buhay at lumalagong kaalaman ng kalooban ng Diyos.
Igalang natin ang Diyos. Sundin natin Siya. Alamin natin ng may pagpapakumbaba ang katangian at kalooban Niya. Ang siguradong resulta ay mas magiging marunong tayo sa buhay. Tyagain natin maisapamuhay ang kalooban ng may galak at tagumpay. Mapapansin na nagiging less and less ang anumang kabiguan sa buhay. Araw-araw nating taglayin ang banal na takot sa ating Panginoon – atin Siyang igalang at sundin ng buong puso at ayon sa Kanyang kalooban.
Aming Diyos Ama, salamat at mahal Mo ako at ang aking pamilya. Hilumin Mo ako sa anumang sakit ng kabiguang naranasan. Patawatin mo ako sa pagsuway sa ko Iyo, at sa kakulangan ng paggalang at pagsunod sa Iyo. Bigyan mo ako ng sapat na paggalang at pagsunod sa Iyo bilang aking Diyos, Panginoon at Tagapagligtas
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Ayon sa Proverbs 9:10, ano ang resulta kung ang mananampalataya ay may paggalang at pagsunod sa Diyos?
Ano ang ibang tagalog translation sa paggalang at pagsunod sa Diyos?
Papaano mas mai-promote sa church at sa family ang paggalang at pagsunod sa Diyos? Maghayag ng iyong saloobin.
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions