May 18, 2023 | Thursday

Manatili At Maghintay Sa Diyos

Today's verse: 2 Chronicles 20:17, MBBTag

17 Hindi na kayo kailangang lumaban. Manatili na lamang kayo sa inyong kinatatayuan at maghintay. Makikita ninyo ang pagtatagumpay ni Yahweh para sa inyo.’ Kaya hindi kayo dapat matakot ni masiraan ng loob. Harapin ninyo sila bukas sapagkat si Yahweh ang kasama ninyo!”


Read: 2 Chronicles 20

Ang maging priority mo ang Diyos, tiyak na mananatili ka sa Kanya, at ang ugaling mapaghintay ay may kasunod na siguradong tagumpay.


Walang anumang ginawa si Josaphat kundi ang lumapit kay Yahweh nang sila ay lusubin ng maraming bansa. Nanawagan siya sa lahat ng tao sa bawat lunsod ng Israel na mag ayuno, sumamba at magpuri sa Diyos. Tinipon niya sila sa templo upang sa gayon mapaalala niya kay Yahweh ang kanyang mga pangako na kung sila ay sa kagipitan na sitwasyon ay tutulungan sila. Hindi nag atubiling sumagot si Yahweh sa pamamagitan ni Jahaziel. Sinabi ni Yahweh na huwag silang matakot at masiraan ng loob, dalawang beses itong sinabi (vv.15, 17). Sa umpisa pa lamang na nalaman ni Josaphat na nilusob sila, nabahala na siya. Ngunit may strategy si Josaphat upang mawala ang ganitong pag alala. Iyon ay ang lumapit kay Yahweh.


Ang unahin ang Diyos, manatili sa Kanyang mga pangako, at maghintay sa Kanyang timing ay mga mahahalang sangkap sa buhay ng isang matagumpay na Kristiano. Kahit tayo ay maraming kinakaharap na problema o pagsubok, hindi pa rin ito sapat upang mawalang saysay ang mga pangako ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Ang maipanalo ang sitwasyon ay hindi galing sa anumang lakas. Ang Diyos mismo ang gumaganap ng Kanyang gawain upang mapangyari at makamit ang katagumpayan.


Matuto tayong umayon sa Salita ng Diyos na unahin Siya sa lahat ng bagay (Matt 6:33). Manatili tayo sa Kanyang mga pangako sa paraan na panghawakan natin ang Kanyang Salita. Humaharap man tayo sa maraming pagsubok at maging sa kagipitan, tutugon at tutugon ang Diyos sa paglapit natin sa Kanya. Ipagkatiwala sa Diyos ang anumang sitwasyon. Hintayin natin ang Kanyang timing at ang Kanyang gagawin. Part natin ang sambahin at purihin Siya. Ang sa  gayon, ang kaluwalhatian ay para lamang sa Kanya at atin ang pananalangin.

Aming Ama maraming salamat sa Iyong mga pangako. Turuan niyo po kami palagi na Kayo ang uunahin. Mananatili kami sa Inyo at kung ano ang sinasabi ng iyong salita. Idagdag niyo po sa aming ugali ang maging mapaghintay sa Iyong timing at gagawin. 

Sa Iyo po ang karangalan at kaluwalhatian. Sa pangalan ni Hesus. Amen.

Pagnilayan:

Written by: Miguel Amihan Jr

Read Previous Devotions