May 23, 2023 | Tuesday

Bagong Supply Ng Pag-ibig Ng Diyos

Today's verse: Lamentations 3:21–23 – ABTag2001

21Ngunit ito'y naaalala ko, kaya't mayroon akong pag-asa: 22 Ang tapat na pag-ibig ng Panginoon ay hindi nagmamaliw, ang kanyang mga habag ay hindi natatapos; 23sariwa ang mga iyon tuwing umaga, dakila ang iyong katapatan. 


Read: Lamentations 3

Kailangan natin araw-araw ng bagong supply ng pag-ibig ng Diyos.


Si Jeremiah the prophet ang sumulat ng aklat ng Mga Panaghoy o ‘Lamentations’. Malamang, kaya ito ang title ng aklat ay dahil nasaksihan niya ang pagbagsak at pagkasadlak ng kanyang bansa. Alam ni Jeremiah kung gaano ang inilayo sa Diyos ng dati’y isang ‘unified kingdom’ na naging ‘divided kingdom’. Siya ay may mga panaghoy para sa kanyang minamahal na bansa. Ngunit sa gitna ng pagkasadlak sa maraming problema dahil sa pagsuway, may pag-asa pa rin si Jeremiah na ang ‘tapat na pag-ibig ng Panginoon ay hindi nagmamaliw’. Hindi siya nawawalan ng pag-asa dahil alam niya na may pag-ibig ang Diyos. Tapat ang Diyos anuman ang naging pagkukulang at pagkakasala nila bilang bayan. 


Marami din na dapat nating ipanaghoy o ikalungkot dahil sa mga negatibong bagay-bagay. Maraming problema sa paligid na epekto ng pagkakasala o pagtalikod ng tao sa Diyos. Minsan maganda lang ang terminology kaya di mukhang mula sa kasalanan. Tulad ni Jeremiah, nasasaksihan natin ang uni-unting pagbagsak at pagkasadlak ng mga tao, mga pamilya, o mga bansa. Ngunit anuman ang problema, may mga tao na hind nawawalan ng pag-asa. Ito ay dahil ang mga taong ito ay may Diyos na hindi nagmamaliw ang pag-ibig. Ang Diyos ay dakila ang katapatan. Siya ang lahat-lahat sa atin.


Kaya't huwag tayong mawalan ng pag-asa. Mas kilalanin natin ang Diyos kesa sa mga problema. Dalin natin sa paanan ng ating Diyos ang anumang problema, challenges, kalungkutan, worry, o depression na meron tayo. Tandaan lagi na ang pag-ibig ni Yahweh ay hindi nagmamaliw. Hindi tayo mauubusan ng supply ng sariwang pag-ibig ni Yahweh. Today and always, be aptly supplied and filled everyday with God’s steadfast love.

Aming Diyos Ama sa langit, minsan nakakaramdam ako ng kawalan ng pag-asa. Naapektuhan ako ng dami ng problema at kakulangan sa pangangailangan. Madalas mas ramdam ko ang mga problemang nararanasan ko kesa sa pag-ibig mo. Nakakalungkot. Nakaka-depress. O Diyos, ako po’y akapin Niyo. Bigyan Niyo po ako ng bagong supply ng Iyong pag-ibig. Ito ay para magawa ko ang nararapat. Tatapatan ko ng pag-ibig mo ang anumang dalamhati’t panaghoy.

Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions