May 22, 2023 | Monday
Si Lord At Ang Kanyang Mga Surprises
Today's verse: Jeremiah 33:2–3 – ABTag2001
2 “Ganito ang sabi ng Panginoon na gumawa ng lupa, ang Panginoon na nag-anyo nito upang ito'y itatag — ang Panginoon ang kanyang pangalan: 3 Tumawag ka sa akin, at ako'y sasagot sa iyo, at magsasabi sa iyo ng mga dakila at makapangyarihang bagay na hindi mo nalalaman.
Read: Jeremiah 33
Hinihimok ang mga tao na tumawag ng manalangin sa Diyos dahil ready si Lord sa Kanyang mga surprises.
Nangungusap ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta. At ang Jeremiah 33:3 ay isa sa mga pangungusap ng Diyos sa tao, sa pamamagitan ni Jeremiah. Binigyan diin sa pangungusap ni Lord ang Kanyang credentials. Siya lang naman ang LORD na lumikha ng langit at lupa at nagtatag nito. Binigyan diin din sa pangungusap ni Lord ang Kanyang pangalan. May personal touch, kumbaga. Ang kasunod na ay ang paghimok na ‘Tumawag ka sa akin’. Kaalinsabay ay ang assurance na ‘sasagot’ si LORD. At ang finale ay ang kasiguraduhan na ang Diyos ay maghahayag ng ‘mga dakila at makapangyarihang bagay na hindi mo nalalaman’.
Applicable pa ba ang Old Testament verse na ito sa panahon natin ngayon? Yes! Dahil ang mga katotohanan tinuturo ng verses ay tamang pananalangin sa totoong Diyos. Kung tama ang iyong pananalangin, dapat naka-address o naka-focus ito sa totoong Diyos. Ang totoong Diyos ay may credentials. Siya ay may personal touch. At SIya ang nagbibigay ng kasiguraduhan o assurance sa mga tumatawag sa Kanya.
Kaya't tuwing nananalangin, magbigay-focus sa character ng Diyos. Siguraduhing nasa kalooban ng Diyos ang iyong mga panalangin. Maging personal sa pakikipag-usap. Given ang mga naunang mga katotohanan, magkaroon ng faith o kasiguraduhan na ang DIyos na kausap mo ang nakikinig at sumasagot ng pananalanging taimtim at mapagpakumbaba. Matutong maghintay sa Kanyang mga surprises. You’ll never know, mas higit pa ang surprises sa iyo ng Diyos.
Diyos Ama sa langit, nalalaman ko ngayon na ikaw ay Diyos na personal kung makitungo. Patawarin mo ako sa pananaw ko na ikaw ang busy. Patawarin mo ako dahil madalas ako nagdadahilan na ako’y busy kaya di ako makapanalngin. Ngayon, nais kong mabago ang aking papanaw patungkol sa Iyo. Improve Niyo po ang aking pakikitungo sa Inyo. Higit pa sa Inyong mga surprises sa akin, nais ko pong mas makilala Kayo sa sumusonod pang mga araw. Purihin ka!
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Papaano ko mas matututunan na manalangin sa Diyos?
Applicable pa ba ang Old Testament verse na ito sa panahon natin ngayon?
Papaano makakatulong ang tamang pananaw patungkol sa Diyos at tamang pakikitungo sa Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions