May 24, 2023 | Wednesday

Sumunod Sa Pagkatawag

Today's verse: Marcos 1:16-18 - MBBTAG12

Habang naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na Simon at Andres na nanghuhuli ng isda sa pamamagitan ng lambat. Sila'y kapwa mga mangingisda. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at kayo'y gagawin kong mangingisda ng mga tao.”Pagkasabi niya nito'y agad iniwan ng magkapatid ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya.


Read: Mark 1

Ang promotion ay nakapaloob sa pagsunod. Ang sumunod ka sa pagkatawag ng Diyos ay may kalakip na layunin, pagkakilanlan, at pagpapala.


From fishermen to fishers of men. Ito ang tawag ng Panginoon sa magkapatid na sina Simon at Andres. Na kahit busy sila sa kanilang maliit na fishing business ay nagbago ang identity nang tawagin sila ni Hesus. At sinabi ng talata na sumunod sila kaagad kay Hesus at iniwan ang kniilang mga lambat ng walang katanong-tanong, walang reklamo, walang patumpik-tumpik, at walang alinlangang pagsunod kay Hesu-Kristo.


Ang pagkatawag ni Kristo sa ating mananampalataya ang pinakamataas na panawagan. Higit ito sa anumang edukasyon o propesyon. Hindi para maging relihiyoso kundi para ganapin ang pagkatawag at layunin ng Diyos para sa atin. Kung maiintindihan ang ating "calling, purpose and identity, hindi mahirap gawin ang pagsunod at pagsakripisyo for the sake of Christ. Kung maiintindihan ang 'calling, purpose and identity' natin, less o wala ang reklamo at kusa ang pagsunod sa Panginoon. Ang Diyos ang totoong Source ng lahat. At kung maintindihan natin ang pagsunod ayon sa pagkatawag sa atin ng Diyos, we’ll be amazed that God is promoting us.


Sumunod at alamin ang pagkatawag sa atin ng Diyos. Gawin ang pinagagawa sa atin ng Panginoon. Huwag tayong manatili sa kung ano lamang ang ginagawa ng karamihan na nasanay na lang sa ‘4Ps’ (pa-church, paupo-upo, pauwi, at pasaway). Gawing masigla at hindi stagnant ang iyong ministry. Maging angat ka sa karamihan. Sikaping ma-discover at ma-refine ang ating calling, purpose, and identity. Antabayanan ang promotion ni LORD sa iyo.

Aking Ama, ang iyong lingkod ay dumadalangin ng taos sa puso upang humingi ng tulong sa Iyo. Pukawin ang aming pagnanais na ma discover ang aming calling, purpose, and identity. Sanayin ang sarili at nang sa gayon ay mas lalo pang magamit sa paglago ng bawat ministry. Maraming salamat po sa pagtuturo Niyo po sa amin sa pamamagitan sa gitna ng mga struggles at challenges.

Sa pangalan po ng aming Panginoong Hesus. Amen.

Pagnilayan:

Written by: Miguel Amihan Jr

Read Previous Devotions