May 28, 2023 | Sunday

Ang Taos-Pusong Pagsisisi

Today's verse: Joel 2:13 – MBBTag

Magsisi kayo nang taos sa puso, at hindi pakitang-tao lamang.” Magbalik-loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos! Siya'y mahabagin at mapagmahal, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig; laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa sa nagsisisi.


Read: Joel 2

Ang pagsisisi ay isa sa mga ‘basic bibilical truth’ pero hindi ganon kasikat na topic. 


Ang aklat ng Joel ng Old Testament ay patungkol sa pagpapanumbalik o ‘restoration’ na gustong gawin ng Diyos para sa kaharian ng Judah. Para ito manyari, binibigyang diin ni propeta Joel na ang Judah ay dapat na magsisi sa kanilang mga kasalanan, mga maling gawa, at maling kaisipan. Kailangan magbalik-loob ang mga tao ng taos sa puso at hindi pakitang tao lamang. Kung magkagayon, mararanasan ng mga tao ang habag ng Diyos, ang Kanyang wagas na pag-ibig at ang Kanyang kapatawaran. 


Basic sa Bible ang topic ng pagsisi o repentance. Ang pagsisi ay hindi lamang pag-iyak o pagiging malungkot dahil sa kasalanang nagawa. Ang pagsisi ay ang panunumbalik natin sa Diyos. Dapat tayong manumbalik sa pag-ibig ng Diyos, kilalanin ang Diyos, at sumunod sa kalooban ng Diyos. Ang pagbabalik-loob ay pagsisi rin. Ang pagbabalik-loob ay yung aminin natin na may mga ‘mindsets’ o ‘logical reasoning’ tayo na madalas ay lihis sa alituntunin at sa utos ng Diyos. Kung tayo ay patuloy na magsisisi (magbago ng kaisipan), ang pangakong pagpapatawad Diyos ay available. Kung tunay nating nararanasanan ang pagpapatawad ng Diyos, ramdam natin ang kapayapaan ng Diyos. For example, sino nga ba ang worried at depressed madalas? Sila yung taong kung mag-isip ay ayon sariling kaisipan at sa nararamdaman lamang. Ang pagsisi ay yung ipasakop natin ang ating naiisip at nararamdaman sa kalooban ng Diyos. 


Aminin nating may mali sa buhay natin kapag madalas tayo worried o depressed.  Pansinin natin ang panawagan na magsisi ng taos puso at magpakumbaba sa Diyos. Napakagandang topic ng pagsisisi. Gawin nating sikat ang topic na ito. Mas pag-usapan at mas intindihin natin ito. Unawain natin ito ayon sa context ng character ng Diyos. Siya ay ‘mahabagin at mapagmahal, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig’ na katangian ng Diyos.

Aming Diyos Ama, ayaw ko na pong maging worried at depressed. Ayaw ko ring magin malungkutin. Baguhin niyo po ang paraan ng aking pag-iisip. Sakupin niyo rin ang mga negative kong nararamdaman. Ako ay nagsisisi. Naway maranasan ko ang inyong habag at wagas na pag-ibig.

Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions