May 31, 2023 | Wednesday

Bagong Pagkatao

Today's verse: Efeso 4:23 - ASND

Baguhin nʼyo na ang inyong pag-iisip at pag-uugali.


Read: Efeso 4 

Magtanim ka sa kaisipan mag-aani ka ng gawa. Gawin mo lagi at magiging kasanayan ito. Sanayin mo lagi at itoy magiging pag uugali.


May diin ang sinasabi ni Pablo sa mga taga Efeso na "baguhin nyo na ang inyong pag iisip at pag uugali". Mababasa natin sa talata 17-32 kung anu-anong mga kaisipan at pag uugali ang dapat baguhin at dapat taglayin ng mga mananampalataya ni Kristo. Ang nais iparating ni Pablo tungkol sa pagbabagong ito na dapat talikuran ay ang dating pamumuhay at dating pagkatao na nagbibigay kapahamakan. At yakapin naman ang bagong pagkatao na binago ng Diyos. Ang pagkataong ito ay matuwid at banal. Sa iba pang salin ng Biblia ang bagong pagkataong ito ay may bagong kaisipan at pag uugali na "nilikhang kalarawan ng Diyos." (v.24)


Ito ay isang panawagan sa lahat ng mananampalataya na baguhin ang pag iisip at pag uugali, isang bagong pagkatao. May malaking kinalaman sa bagong pagkatao ang Banal na Espiritu at ang Salita ng Diyos. At two way ang nais ng Panginoon sa atin dahil ang change ay constant at hindi instant. Tanggapin mo ang binigay Niya na bagong pagkatao at isapamuhay natin ito (imputed and walked). Maraming do's and don'ts sa buhay. May steps na dapat daanan ang araw-araw. Kaya napakahalaga ang Salita ng Diyos sa buhay natin sa tulong ng Banal na Espiritu na nakakapagpabago ng ating pagkatao.


Kaya tanggapin natin at isapuso lagi ang salita ng Diyos. Basahin natin ang mga devotionals. Magtanong sa ating pastor ng mga bagay na dapat nating malaman. Ang bawat salita ng Diyos na ating nababasa at naririnig. At kung masikap lang tayong magbigay pansin,  ito ang  maglilinis ng ating puso't isipan sa lahat ng nakaimbak na dala ng ating lumang pagkatao. Maglalaan tayo ng malusog na oras sa ating pananalangin hingin natin sa Panginoon na tuturuan tayo lagi ng Banal na Espiritu kung ano ang nararapat. Bigyan natin ng puwang ang pagsunod.

Aking Ama, kami po ay lumalapit sa Iyo. Malakas ang panawagang ito sa pagbabagong isip at pag uugali. Ang totoo wala tayong magagawa kung wala ka. Kailangan natin mabigyan ng sapat na oras ang pakikinig ng Iyong Salita at ang lahat ng mensahe mo sa amin. Puspusin niyo po kami ng iyong Banal na Espiritu upang sa gayun ay aming magawa ang sinasabi po ng iyong Salita. Maraming salamat.

Sa pangalan ng Panginoong Hesu-Kristo, Amen!

Pagnilayan:

Written by: Miguel Amihan Jr

Read Previous Devotions