June 10, 2023 | Saturday

Ang Gantimpala Sa Mga May Paggalang Sa Diyos

Today's verse: Malachi 3:16–17, MBBTag

16 Pagkatapos, nag-usap-usap ang mga taong may paggalang kay Yahweh. Pinakinggan niyang mabuti ang kanilang usapan, kaya ipinatala niya sa isang aklat ang mga pangalan ng mga gumagalang sa kanya. 17 “Magiging akin sila,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. “Sa araw na ako'y kumilos, itatangi ko sila bilang sariling akin. Ililigtas ko sila, tulad ng pagliligtas ng isang ama sa anak na naglilingkod sa kanya.



Read: Malachi 3 

May nakalaang pagliligtas ang Diyos sa mga gumagalang sa Kanya.


Ang Malachi ang huling aklat sa Old Testament. Bagamat sikat ang aklat na ito patungkol sa topic ng pagbibigay o pag-iikapu, ang aklat din na ito ay nagkwento ng pagiging particular ni Lord sa pakikinig sa mga taong may paggalang o respeto sa Kanya. Ayon kay propeta Malachi, si LORD ay nakikinig ng usapan ng mga may respeto sa Kanya. Siya ay nagbigay ng ‘favor’ sa kanila dahil sa kanilang mga sinabi. Merong pagpapahalagang ibinigay sa kanila ang Diyos bilang mga taong may paggalang sa Kanya. Matapos nilang malaman ang mga hinaing ng Diyos, silang mga may kilalang may paggalang ay nag-usap usap.


Mahalaga na maintindihan natin bakit hindi mapigilan ni LORD na bigyan ng kakaibang ‘favor’ o pagliligtas ang mga taong may respeto sa Kanya. Itinuturo sa atin ng Malachi 3:16–17 na may spare time pa rin si Lord para mas pagmasdan ang mga nangyayari sa buhay ng mga taong may paggalang sa Diyos. Malamang na pansin din ng Diyos ang pag-uusap ng lahat ng tao (e.g. story of Babel, Genesis 11). Pero ayon sa Malachi 3, may kakaibang galawan si LORD para gantimpalaan ang mga taong may paggalang sa Kanya. Pansin itong lahat ng Diyos. 


Kaya igalang natin ang Diyos. Importante ang paggalang sa Diyos. Ito man ay sa salita o sa gawa. Mag-usap-usap ang mga taong may respeto sa Diyos at siyasatin ang hinaing at kalooban ng Diyos. Linawin natin sa ating puso't isip habang nag-uusap kung anong gusto ng Diyos upang mapangyari ang Kanyang kalooban dito sa lupa. Ang ganitong pag-uusap at resulta ng pag-uusap ay magbibigay parangal sa Diyos.

Aming Diyos Ama, nais Ka naming makilala. Ang malaman ang kalooban mo ay mahalaga sa amin. Mahalaga ito sa amin kasi gusto namin mas matutunan kung paanoi rumespeto sa Iyo. Ninanais po namin ang pangako mong pagliligtas. Salamat po in advance.

Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions