June 15, 2023 | Thursday

May Ginagawa Ang Diyos

Today's verse: 2 Samuel 22:49, MBBTag

Iniligtas ako sa aking kaaway, ako’y inilayo sa sumasalakay; sa taong marahas, ipinagsanggalang.


Read: 2 Samuel 22 

Magagawa ng Diyos ang higit pa sa mga gusto mong gawin ng Diyos para sayo.


Ang talata ay isa mga lyric na inawit ni David para kay Yahweh. Inawit niya ito nong araw na iniligtas siya ni Yahweh mula sa kamay ng kanyang mga kaaway at sa kamay ni Saul (v.1). Nagsasabi ang talatana ibat-ibang pamamaraan ng Diyos upang magtagumpay ang kanyang lingkod, iniligtas, inilayo atipinagsanggalang niya. Kaya confident si David na ang lahat ng hamon ng kanyang buhay aymaipapanalo niya dahil ang Diyos na mismo ang gumagawa ng mga supernatural and miracles.


Hindi natin mahihigitan ang Diyos sa kanyang kabutihan. Siya ay may ginagawa na pawang para sa atin upang tayo ay maging matagumpay sa anumang hamon ng buhay, Pansinin mo ang ibat-ibang paraan ng Diyos na lampas sa ating limitadong pamamaraan. Tayo ay nililigtas at ipinagsasanggalang. Ang mga salitang ito nagpapatunay na ang Diyos ay may supernatural ways. Ginagawa ito ng Diyos sa kanyang mga lingkod dahil siya ay Diyos at wala nang iba. Siya’y walang kapantay at makapangyarihan (vs.32-33)


Kaya magtiwala at umasa ka sa Diyos. Siya’y tapat sa kanyang mga pangako (v.31). Tayo’y ililigtas, ilalayo sa masasamang loob, at ipagsasanggalang Niya tayo sa lahat ng hamon ng buhay. Magpuri at magsaya ka kahit may problema dahil lahat ng yan ay may katapusan at may katapat na pagpapala. Sumunod sa pinagagawa Niya at gagantimpalaan ka Niya (vv. 23-25). Pagnilayan natin ang buong komposisyon ng awit na ito ni David at sure na makikita natin na ang Diyos ay maraming naka reserved na miracles and supernaturals para sa atin.

Panalangin

Aming Ama maraming salamat sa concern mo, sa ibat-ibang supernatural miracle mo na hindi mabilang. Gumagawa ka sa amin kahit sa limitado naming pananampalataya. Tulungan mo po kami na laging umasa at magtiwala sa yong mga pangako kahit may mga problema at kabigatan. Punuin Niyo po kami ng bunga ng Banal na Espiritu upang sa gayon maging maligaya kami kahit may pagsubok at kinakaharap sa buhay. Maraming salamat sa pagliligtas at pag aalaga at pagtatanggol Mo sa amin. Ito po ang aming dalangin sa pangalan ng Panginoon Hesus. Amen

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions