June 16, 2023 | Friday
Kagandahang-Loob At Katotohanan Ni Hesu-Kristo
Today's verse: John 1:14, MBBTag
Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.
Read: John 1
Naihayag na ang kagandahang-loob at ang katotohanan ng Diyos. Matatanggap lamang ito sa pamamagitan ni Hesu-Kristo.
Ayon kay Apostle John, si Hesus ang kapahayagan ng kagandahang-loob at ng katotohanan ng Diyos. Nang sinabi ng verse 14 na naging tao ang Salita, walang ibang tinutukoy dito kundi ang Panginoong Hesus. At ayon sa verses 1-2, ang Salita sa pasimula pa lamang ay andon na kasama na ng Diyos at Siya ay Diyos. Again, walang ibang pinatutukuyan dito maliban sa Panginoong Hesus. At pinatunayan ito ng mga Juan at ng Disciples ng Panginoong Hesus. At ang sinabi ni Apostle Juan ay “Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama”
Napakamakapangyarihan ng katotohanang ito! Kung mas bibigyan natin ito ng pansin, ito ay magbibigay sa atin ng pangakong kagandahang-loob at katotohanan. Ang ‘grace and truth’ na taglay ni Hesus ay kayang magbigay ng bagong buhay sa mga tao. Dahil sa ‘grace and truth’ na ito ay may kapatawaran, kagalingan, kapayapaan, at iba pa. Kayang palitan ng Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo ang ating karamdaman ng Kanyang kagalingan, ang ating kasalanan ng kanyang kapatawaran, ang ating kaguluhan ng Kanyang kapayapaan, at ang ating kawalan ng Kanyang kapuspusan, at marami pang iba. Purihin ang Diyos sa Kanyang ‘grace and truth’ sa pamamagitan ni Hesu-Kristo!
Lumapit tayo sa Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Walang anumang bagay o katagumpayan ang pwdeng pumalit sa pangangailangan natin kay Hesu-Kristo. At walang anumang kayamanan o katagumpayan na pwedeng makamit ng tao na pwedeng humalintulad o pumalit sa ‘grace and truth’ ni Hesu-Kristo. Lahat ay pansamantala kumpara kay Hesu-Kristo. Isipin natin ito ng mabuti: ang iyong kaabalahan at kabalisahan sa mga pansamatalang mga bagay ay ‘never’ na magbibigay sa iyo ng pinaka-kailangan mong ‘grace and truth’ na mula lamang kay Hesu-Kristo. Ang lahat ng pagdadahilan natin sa buhay ay hahantong pa rin sa lubos na pangangailangan natin sa Panginoong Hesus. Magpakumbaba ka ngayon sa Diyos.
Panalangin
Aming Diyos Ama, patawarin Mo ako sa paghahabol ko sa mga pansamantalang mga bagay. Nalalaman ko ngayon na napakahalagang bahagi ng buhay ko ang Panginoong Hesus. Kailangan kong maranasan ang Kanyang ‘grace and truth’. Ang lahat ng aking kaabalahan at kabalisahan ay aking isinusuko ngayon sa aking Panginoong Hesu-Kristo.
Ako ay sa Iyo. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Ano ang ‘grace and truth’ na mula kay Hesu-Kristo?
Anu-ano ang mga kaabalahan at kabalisahan ng tao na nagiging hadlang para maranasan ang ‘grace and truth’ ni Hesu-Kristo?
Paano gawin ang lumapit sa Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions