June 3, 2023 | Saturday

Ang Kabutihan At Pangangalaga Ng Diyos

Today's verse: Nahum 1:7 – ASND

Ang Panginoon ay mabuti; matibay siyang kanlungan sa oras ng kagipitan, at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya.



Read: Nahum 1 

Ang Diyos ay mabuti at nangangalaga lalo na sa nananalig sa Kanya.


Si Nahum ay isang propeta na nagpahayag ng kaparusahan sa Assyrian Empire na sumalanta sa Judah. Kaalinsabay nito, siya din ang propeta na nagparating ng mensahe sa kanyang kababayan tungkol sa kabutihan ng Diyos at ang pangangalaga ng Diyos. Dagdag pa ni Nahum na sa oras ng kagipitan ang Diyos ay matibay na kanlungan. Para kay Nahum, ang kapahayagan ay ito: ang Diyos ay mabuti ay nangangalaga sa mga nananampalataya sa Kanya. 


Ang mga mananampalataya ay tinatawag ang pansin na kilalanin ang Diyos sa Kanyang kabutihan. Dahil sa kabutihan ng Diyos, may mga plano siya para ang kanyang mga manananampalataya ay ikanlong at alagaan. Siya ay Diyos na mabuti. Siya ang Panginoon na makapangyarihan. At kaya Niya na alagaan ang mga nananalig sa Kanya. Again, ang Diyos ay mabuti. Minsan nahihiyang lumapit ang tao maski ang mga manananampalataya sa Diyos dahil sa ating mga pagkakamali at mga pagkukulang. Tandaan natin ang Diyos ay mabuti. Hindi niya tinataboy ang sinumang lumalapit sa kanya ng may taos-pusong pananalig. Ngunit minsan naman ay naabuso natin ang kabutihan ng Diyos. Ito ang nakakalungkot na isipin at malaman.  


Manalig tayo sa Diyos ng may taimtim at buong puso. Tumawag tayo sa Diyos at tayo’y Kanyang ililigtas. Anuman ang kagipitan natin, si Lord ay matibay na kanlungan. Anuman ang problema natin, mas dakila ang Diyos sa mga ito. Anuman ang kasalanan natin, handang magpatawad si LORD. Lalo na’t namatay na si Hesu-Kristo bilang sakripisyo sa ating mga ma kasalanan. Kaya tayo ay mas may 'privilege' na tumawag sa Diyos at manampalataya sa Panginoon sa pamamagitan ni Hesus. Magpakumbaba tayo sa Kanya … anuman ang kasalanan natin sa Kanya ay handa Siyang magpatawad sa lahat ng ating mga kasalanan. Magpakumbaba tayo sa Kanya … anuman ang ating dalahin o ‘burden’. 

Aming Diyos Ama, kaybuti Mo. Di nagmamaliw ang Iyong kabutihan. Walang kupas ang Iyong katapatan. Patawarin mo ako sa aking mga mga kasalanan. Ilapit mo ang aking puso sa iyong pangangalaga. Nananalig po ako sa Panginoong Hesu-Kristo.

Salamat sa iyong patuloy na pangangalaga. Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions