June 5, 2023 | Monday

Ang Kilalanin At Dakilain Ang Diyos

Today's verse: Habakkuk 2:14 – MBBTag

Subalit ang buong mundo ay mapupuno ng mga taong kumikilala at dumadakila kay Yahweh, kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.


Read:  Habakkuk 2 

Anuman ang kasamaan sa paligid, mas darami pa rin ang mga taong kikilanin at dadakilain ang Diyos.


Ang kasamaan sa paligid nung panahon ni propeta Habakkuk ay dumarami at dumadalas. Mababasa sa Habakkuk chapter 2 na inilahad ng propeta kung gaano na kalawak ang abot ng kasamaan sa mga puso ng mga tao. At ikinumpara niya ito sa nararamdaman ng Diyos na hinanakit. Ramdam din ni Habakkuk ang nararamdaman ng Diyos. Ganunpaman, ayon sa verse natin ay mababasa ang pag-asa at kasiguraduhan na darating ang panahon na mas makikilala at mas madadakila ang Diyos. Ito ay dahil sa paglawak ng kaalaman ng mas maraming tao tungkol sa Diyos. Magwawagi pa rin ang kalooban ng Diyos.


Minsan ba give up ka na sa nangyayari sa paligid mo? Apektado ang buhay natin sa mga nangyayaring kasamaan  sa paligid, pati na ang mga problema at karamdaman. Nakakalungkot. Nakakadismaya. Ngunit kailangan natin malaman at maalala tuwina na ang Diyos ay may nakalaan pa ring mga mabuting pangyayari. Ito ay mangyayari dahil may mga tao pa rin na mas maniniwala sa Salita ng Diyos kesa sa mga sabi-sabi lang. Kung maraming tsismis at masamang balita ang kumakalat sa paligid, meron at meron pa rin mga may takot sa Diyos na mga tao na magbabahagi ng Salita ng Diyos. Interestingly, meron at meron din na mga tao na mas maniniwala sa Salita ng Diyos kesa sa mga tsismis at masamang balita ang kumakalat sa paligid.


Don’t give up, kapatid. Hindi dahil sa maraming kasamaan sa paligid ay talo na ang Salita ng Diyos. Praise God at may antabayanan pa rin tayong spiritual revival. Meron pa rin tayong dapat ipanalangin ng mas taimtim. Meron pa rin tayong mabuting balita na dapat pag-usapan, aralin, at isapuso! 

Aming Diyos Ama, lagyan mo ang puso ko ng pag-asa. Ipinapanalangin ko na mas marami kaming hahayo ang magbabahagi ng Salita mo sa mas maraming tao. Sila din ay kailangan na makarinig ng Salita mo. Kailangan din nila ng pag-asa.

Salamat at dahil sa Iyo ay may tunay na pag-asa. Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions