June 6, 2023 | Tuesday

Ang Pag-ibig Sa Diyos Ang Pinakamahalaga

Today's verse: Mateo 22:37-38, MBBTag

Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo. Ito ang pinakamahalagang utos.


Read: Mateo 22 

Ang tunay na pag ibig sa Diyos ay walang kundisyon. Ito’y kabuuan ng buhay at alituntuning pinakamahalaga.


Ang talata ay sagot ng Panginoong Hesus sa tanong ng Pariseo na dalubhasa sa kautusang Judio, "Alin ang pinakamahalagang utos sa kautusan? (v.35). Maliwanag na sinabi ng ating Panginoon Hesus na priority ang pag ibig sa Diyos at walang maging kahati dapat ang pag ibig sa Diyos. Ito ay "buong puso, buong isip at buong kaluluwa". At sa lahat ng katuruan, mga alituntunin, at maging mga aralin, ang pag-ibig sa Diyos ang pinakamahalaga.


Ang salitang pag ibig na binitiwan ng ating Panginoon ay "agapao" sa Griyego na ang pakahulugan ay ‘unconditional love’. Iba pang ibig sabihin ay "generous concern" or "faithful toward" sa madaling sabi a "God kind of love". Ang tao sa kanyang kahinaan, kapag dumadating ang pagsubok ay nawawala ang generous concern niya sa Diyos. Nakafocus na sa problema. Ang kanyang katapatan ay nahahati. Si Jesus Christ mismo ang nag solve ng lahat ng ito. Ang kanyang love ay unconditional. Ang kanyang mapagbigay na pag-alala ay hindi nagbabago. At maging ang katapatan ay hindi nagmamaliw.


Magpatuloy tayo sa kabila ng ating mga kahinaan. God cares for us. Marami man tayong pagkukulang naiintindahan Niya tayo dahil sa walang maliw Niyang pag ibig sa atin. Ang Kanyang pag-alala ay hindi masukat. Alagang-alaga tayo ng Kanyang pag-ibig na walang condition. Maging sino pa man tayo, tandaan natin na ang pag-ibig ng DIyos ay buong-buo. Pagnilayan natin ang Kanyang kabutihan at katapatan. Sumunod tayo nang may kapakumbabaan.

Aming Diyos punuin niyo po kami ng pag-ibig Niyo. Ibinigay Niyo ang Iyong Anak po sa amin. Hindi Niyo po pinagdamot upang kami ay ibigin mo ng walang kondisyon. Saliksikin Niyo po ang aming puso. I-direct po kami sa tamang relasyon at pananaw na ibigin kayo ng buong puso, kaluluwa at buong isip. Huwag Niyo pong hayaan ang anumang problema at pagsubok ay maging hadlang sa aming pag ibig sayo. Ito po ang samu’t dalangin sa makapangyarihang pangalan ng aming Panginoong Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Miguel Amihan

Read Previous Devotions