May 1, 2023 | Monday

Magpakatatag Ka at Lakasan Mo ang Iyong Loob

Today's verse Joshua 1:8-9 – MBBTag

8 Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay. 9 Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta.”


Read: Joshua 1

Iba ang dulot ng katatagan at kalakasan ng loob na mula sa Diyos.


Ang kwento ng buhay ni Josue ay kwento ng maraming hamon at pagsubok maging ng katatagan at kalakasan ng loob na nagmula sa Diyos. Si Josue bilang lider kasunod ni Moises ay naging masunurin sa Diyos. Sa kanyang pagsisimula, binigyan siya ng encouragement ni Lord, siyang makatutulong sa kanya sa hinaharap: “Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa …”Kailangan ni Josue ang pangakong pagsama ni Yahweh na dulot ay siguradong tagumpay. Dahil dito, si Josue ay naging tagumpay dahil sa consistent na pagsunod niya sa Panginoon.


Katulad natin, tao lang din na may mga kahinaan at kakulangan si Josue. Ngunit, ang mahalagang sangkap ng buhay ni Josue ay naniwala at magpagabay siya kay Yahweh, kaya siya ay naging malakas at tagumpay! Purihin ang Panginoon! For sure, kailangan natin ang encouragement na dala ng kwento ng buhay ni Josue, kung saan ang Diyos ang sentro ng buhay niya.


Magpakatatag tayo at lakasan natin ang ating loob sa pamamagitan ng mga pangako ng Diyos. Maging masunurin tayo sa mga utos at mga alituntunin ng Diyos, at i-discover pa natin ito. Huwag tayong matakot dahil sa mga hindi magagandang pangyayari sa ating buhay o sa ating kapaligiran. Dalhin natin ang pag-asa sa buhay na kung kasama natin ang Diyos, walang problema o kahinaan na o diablo ang kayang tumalo sa atin. Palaguin natin ang ating relasyon sa Diyos na lumikha ng langit at lupa.

Aming Ama, isinusuko ko sa sa Iyo ang lahat ng aking takot, kawalan ng pag-asa, pag-aalinlangan, at anumang problema o challenges sa buhay. Pinipili ko pong manalig sa Iyo, makinig sa Iyo, at sumunod sa Iyo. Kailangan ko ang Iyong patnubay, gabay, at lakas ng loob. Salamat po. Sa makapangyarihang pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions

Ano ang tunay na diwa ng paggalang sa Diyos, pagsunod sa Diyos, pag-ibig sa Diyos, paglilingkod sa Diyos, at pagtupad sa bilin at tuntunin ng Diyos?


April 30, 2023