May 10, 2023 | Wednesday

Magtiwala Sa Diyos Kahit Na Discouraged

Today's verse: Psalm 42:5-7

Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas! Nanghihina ang loob ko. Akoʼy parang tinabunan nʼyo ng malalaking alon, na umuugong na parang tubig sa talon. Kaya dito ko muna kayo inaalala sa paligid ng Ilog ng Jordan at Hermon, sa Bundok ng Mizar.


Read: Psalm 42

Sa lahat ng mga katanungan sa mundo isa lang ang kasagutan; at sa lahat ng problema sa buhay natin isa lang din ang solusyon – ang magtiwala sa Diyos kahit na discouraged.


Ang mga tanong ng Salmista ay hindi malayo na ganon din ang mga katanungan ng mga anak ng Diyos. Kapag dumadating ang ganitong kalalagayan, personal nyang tinanong ang sarili nya bakit siya nakararanas ng ganito? May mga sitwasyong nalulungkot, nababagabag, nanghihina ang loob, at nandiyan pa yong personal na nararamdaman na parang tinabunan siya ng malalaking alon, ay mga kalalagayan na kung saan sinusubok ang pagtitiwala ng tao sa Diyos. Ang amazing sa text ay yong lahat ng katanungan at kalalagayan ay mas malinaw na maiintindihan kapag nananahimik na nag-iisa at inaalala ang Diyos. Pansinin natin ang sinasabi ng talata sa hulihan, “kaya dito ko muna kayo inalala sa paligid ng ilog Jordan at Hermon, sa Bundok ng Mixar.”


Madalas ay marami tayong tanong na bakit. Lalo na sa panahon natin ngayon na mas marami ang nalulungkot, nababagabag, nanghihina ng kalooban dahil sa dami ng problema. Ngunit katulad dapat ng salmista na sa ganitong kalalagayan ay “dapat magtiwala ako sayo’ magpupuring muli, ikaw ang aking Diyos at tagapagligtas, mas manaig dapat ang pagtitiwala sa Diyos kaysa anumang mahirap na kalalagayan.


Magtiwala tayo sa Diyos. Alam Niya ang ginagawa Niya para sa ating kabutihan ang bawat negatibong nangyayari. Hinahayaan niyang mangyari ito sa atin upang sa gayon manaig ang ating pagtitiwala sa natin Kanya. Magkaroon tayo ng time sa pagninilay sa kabutihan ng Diyos. Sa ganitong pamamaraan ay mas makikilala natin ang ating Diyos na Tagapagligtas at mas lalo tayong magtitiwala sa kanya kahit na tayo ay discouraged.

Aking Ama, maraming salamat sa Iyong kabutihan, sa Iyong ginagawa sa buhay ko. Pinagtitibay Mo ang aking pagtitiwala sa Iyo kahit na ako ay discouraged. Marami mang mga tanong at may ibat-ibang kalalagayan, tinuruan Mo akong magtiwala sa Iyo. Ang papuri’t pagsamba ay para sayo lamang. Sa Pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Miguel Amihan

Read Previous Devotions