May 8, 2023 | Monday

Ang Panalanging May Pagpapakumbaba 

Today's verse: 2 Kings 20:2-3 – MBBTag

2Humarap si Haring Ezequias sa dingding at nanalangin kay Yahweh, 3“Alalahanin po sana ninyo, Yahweh, na namuhay akong tapat sa inyo. Buong puso ko pong ginawa ang lahat ng bagay ayon sa iyong kagustuhan.” At buong kapaitang umiyak si Ezequias.


Read: 2 Kings 20

Ang panalanging may pagpapakumbaba ay naiiba sa panalanging nagmamakaawa lamang. 


Si Ezequias ay mahusay na halimbawa ng panalanging may pagpapakumbaba. Puno-puno ng pagpapakumbabang sinabi ni Ezequias ang kanyang katatayuan sa harapan ng Diyos. Ang pag-iyak niya ay isa pang senyales ng kanyang pagpapakumbaba – na higit pa sa pagmamakaawa lamang. Pansinin natin ang tugon ni Yahweh sa panalanging may pagpapakumbaba, “5 Bumalik ka. Sabihin mo kay Ezequias, ang hari ng aking bayan, ‘Narinig ko ang iyong panalangin at nakita ko ang iyong pagluha. Kaya, pagagalingin kita. Sa ikatlong araw, makakapasok ka na sa Templo. 6 Mabubuhay ka pa ng labinlimang taon. Hindi lamang iyan, ililigtas pa kita at ang lunsod na ito sa kamay ng hari ng Asiria. Ipagtatanggol ko ang lunsod na ito alang-alang sa aking karangalan at sa aking pangako kay David na aking lingkod.’”


Pansinin natin na magkaiba talaga ang panalanging may pagpapakumbaba sa panalanging nagmamakaawa lamang. Ang panalanging may pagpapakumbaba ay nakabase sa ‘identity’. Ang panalanging nagmamakaawa ay nakabase sa nakakaawang ‘situation’. Ang panalanging may pagpapakumbaba ay may ‘confidence’ na mas angat kesa panalanging nagmamakaawa lamang. Sa panalangin ni Ezequias, ipinarating niya sa Diyos kung ano ang naging pagsunod niya sa mga utos ng Diyos. Ni-remind niya si LORD sa ‘covenant’ na meron sila. Alam ni Ezequias kung ano ang katatayuan niya sa harapan ng Diyos. Mauunawaan na parehong mahalaga ang pagpapakumbaba at pagmamakaawa. Ngunit ang pagpapakumbaba na nakabase kung sino ka sa harapan ng Diyos (‘identity’) ay higit na nakakatawag ng pansin ng Diyos.


Lubos nating unawain ang angat na pagtugon ng Diyos sa panalanging may pagpapakumbaba. Alamin kung sino ba talaga tayo sa harapan ng Diyos. Higit pa sa iyong kalalagayan na maaaring nakakaawa, dalin mo sa Diyos ang relasyon na meron kayo sa isa’t isa. Diyan lubos na nakaka-angat ang tunay na anak ng Diyos.

Aming Diyos Ama, siyasatin mo ngayon ang aking puso base sa pagkakilanlan ko (‘identity’). Iparamdam mo din ngayon sa akin ang lebel at lalim ng aking relasyon sa iyo. Ako po’y nagpapakumbaba. Lalo mong ipahayag sa puso’t isipan ko ang iyong kalooban ayon sa aking lalim pkikipagniig sa Iyo.

Dakilanin ka, sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions