May 5, 2023 | Friday
Sentro Ang Diyos Ng Pagsamba't Pag-Aalay
Today's verse: Pahayag 5:11-12 – MBBTag
Tumingin akong muli at narinig ko ang tinig ng milyun-milyon at libu-libong anghel. Sila'y nakapaligid sa trono, sa apat na buháy na nilalang at sa matatandang pinuno. Umaawit sila nang malakas, “Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, kaluwalhatian, papuri at paggalang!”
Read: Pahayag 5
Kultura ng kalangitan ang paghahandog kay Yahweh. Dapat maging likas sa mga anak ng Diyos ang pag-aalay kay Kristo.
Nakita at narinig ni Juan ang kaganapan ng pagsamba sa presensya ng Diyos. Present ang lahat para sumasamba. Milyun-milyon ang mga anghel at may iba pang nilalang. Napakainam pagmasdan ang kaganapang ito ng pagsamba. Ito ay sama-samang pagsamba at paghanga sa Diyos. Sila’y mga nakapaligid sa trono ng Diyos. Ang awit nila ay malalakas na alay lamang kay Hesu-Kristo. Walang katulad ang pagsamba at pag aalay.
Ang gandang pagmasdan ang sama-samang pagsamba. Hindi lang dahil sa attendance o religious activities kundi ang taos-pusong pagkikiisa ng mga anak ng Diyos. Ang gawi ay dahil sa pagsunod at pagmamahal natin sa Diyos. Ang pag-aalay ay bukal lalo kung ang Diyos mismo ang sentro ng puso't isipan. Ito’y isang kagalakan dahil sa tapat at malalim na relasyon sa Diyos. Hindi natin maiwasan ang problema sa panahon na tayo ay sasamba't magaalay. Maraming hadlang upang makadalo tayo. Ngunit sa bago at makadiyos na pananaw, ang pagsamba natin ay hindi na ‘optional’ kungi ‘relational’.
Huwag kaligtaan ang pagsamba. Sayang ipagpalit ang panahon na wala tayo sa presensya ng Diyos. Ugaliing makadalo sa pagsamba lalo pag araw ng Linggo at maging sa ibang pagtitipon. Huwag nating hayaan na ang mga personal o family event ay mas hihigit pa sa ating pagsamba sa Panginoon. Gawin natin sa lahat ng pagkakataon ay lumalago tayo, Nalalaman natin na sa ating pakipagkaisa sa Panginoon ay lumalalim ang ating relasyon at lumalago ang ating pananampalataya.
Aming Ama, kami po ay humihingi ng tawad sa pagliban namin sa panahon ng pagsamba. Tulungan niyo po kami na maging ugali namin ang pagsamba sa yo ng best. Punuin Niyo po kami ng katotohanan na ang lahat ng pagsamba at pag-aalay namin ay para lang sayo. Tulungan niyo po kami na maging sentro kayo ng aming mga puso't isipan. Maraming salamat po kapatawaran. Salamat sa iyong pagmamahal at kalinga para sa amin.
Purihin ka sa pangalan ng Panginoong Hesus. Amen.
Pagnilayan:
Ano sinasabi ng verse patungkol sa ugaling dapat taglayin pagdating sa pagsamba?
Alin ba ang mas importante, ang pagsamba o ang mga personal na gawain?
Bakit sa panahon natin ngayon mas maraming balakid ang pagsamba't pag aalay ng tapat sa Diyos?
Written by: Miguel Amihan
Read Previous Devotions