May 2, 2023 | Tuesday

Ang Matiyagang Kabutihan Ng Diyos

Today's verse Judges 2:16 – MBBTag

Dahil dito, ang Israel ay binigyan ni Yahweh ng mga hukom na siyang magliligtas sa kanila sa kamay ng mga mananakop.


Read: Judges 2

Anuman ang pagsuway at pagtalikod ng tao sa Diyos, gumagawa pa rin ng paraan ang Diyos para ang tao ay ingatan. 


Nagpatuloy ang mga kwento ng pagliligtas ng Diyos sa bayan ng Israel matapos na si Josue’y pumanaw na. Lubos pa rin ang pag-iingat ng Diyos sa mga Israelita. At sa gitna ng paulit-ulit na pagsuway at pagsamba sa diyos-diyosan, ang Diyos ay nakamatyag pa rin sa di kalayuan. Nagpadala Siya ng mga tao na tutupad ng Kanyang kaloobang pag-iingatan ang bayan ng Israel. Hindi man ito lubos na kinikilala ang pag-iingat na ito ng Diyos para sa mga Israelita, ginagawa pa rin ito ng Diyos ganunpaman.


Sa panahon natin ngayon, ginagawa pa rin ng Diyos na ingatan at pagpalain ang mga tao. Tawag ng marami diyan ay ‘common grace’. Mabait ang Diyos sa lahat ng tao. Hindi man ito pansin ng marami, tapat pa rin ang Diyos. Sa gitna ng lahat ng pagsuway at kaabalahan nating mga tao, ang Diyos ay ginagawa pa rin ang Kanyang bahagi upang ingatan niya tayo. Nagpapadala pa rin ang Diyos ng mga tao o pagkakataon para pakitaan Niya tayo ng kabutihan at pag-iingat.


Ngayong araw, mabigyan natin ng pansin ang matiyaga at nagpapatuloy na kabutihan ng Diyos sa atin. Abala man tayo sa maraming bagay, ay huwag natin kaligtaan na pasalamatan ang Diyos. Sambahin natin Siya ng may nararapat na paggalang. Gawin nating espesyal ang bawat oras na ginugugol natin sa Kanya. Makita natin ang mga bagay-bagay sa ating buhay ayon sa pananaw ng Diyos. Kung manyari ito, ang Diyos ay hindi lamang bahagi ng relihiyon. Bagkus, ang Diyos ay nagiging sentro ng ating pkikipag-relasyon sa Kanya. 

Aming Ama, Kayo po ay napakatyagang pakitaan kami ng kabutihan. Salamat sa pagiging ‘consistent’. Salamat sa Iyong dakilang katapan. Patawarin mo kami sa lahat ng pagkukulang namin. Patawarin mo kami sa aming mga di sapat na pansin,  mga di sapat na pagsunod, at mga di sapat na pagsamba namin sa Inyo.

Salamat po sa kapatawaran. Salamat sa bigay mong panibagong sigla ng aking pagsunod sa Iyo. Sa makapangyarihang pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions

Paano mananatiling matatag at malakas ang loob sa gitna ng mga hamon sa buhay?


May 1, 2023

Ano ang tunay na diwa ng paggalang sa Diyos, pagsunod sa Diyos, pag-ibig sa Diyos, paglilingkod sa Diyos, at pagtupad sa bilin at tuntunin ng Diyos?


April 30, 2023