May 3, 2023 | Wednesday
Magbigay Pag-Asa, Gumawa Ng Mabuti
Today's verse Ruth 2:10-11 – MBBTag
10 Nagpatirapa si Ruth, bilang pagbibigay-galang, at nagtanong, “Ako po ay isang dayuhan, bakit po napakabuti ninyo sa akin?” 11 Sumagot si Boaz, “Nabalitaan ko ang lahat ng ginawa mo sa iyong biyenan mula nang mamatay ang iyong asawa. Alam ko ring iniwan mo ang iyong mga magulang at sariling bayan upang manirahan sa isang lugar na wala kang kakilala.
Read: Ruth 2
Ang mabubuti mong ginagawa ay siguradong may nakakapansin – at maging sila ay nagkakaroon ng pag-asa.
Ang kwento ni Ruth ay classic at nakakapagbigay sigla sa nakakapagbasa nito. Bakit? Kasi ang kwento ni Ruth ay naghahayag ng kalalagayan na kung saan lahat ng dahilan para mag-give up ay nariyan na. Kumbaga nasa ‘desperate human situation’ na talaga. Si Ruth ay nabuhay sa panahon na tag-gutom at ang mga asawa nila ay nangamatay dahil sa giyera. Ngunit di ito nakapigil kay Ruth para magpatuloy sa buhay at sa paggawa ng mabuti … kahit sa pabahon na madaling mawalan ng pag-asa.
Tayo din naman ngayon ay may kanya-kanyang kalalagayan na pwde panggalingan ng kawalan ng pag-asa. Sa panahong marami ang problema, nakaka-dismaya ang mga pangyayari at may kawalan ng pag-asa, pwede tayong magdahilan na huwag gumawa ng mabuti o huwag ng magpatuloy sa buhay. O di naman kaya ay mabuhay ng may paninisi sa iba. O, napakasarap isipin na may mga tao na kahit nasa mahirap na panahon ay gumagawa pa rin ng mabuti at nakakapagbigay pa rin pag-asa sa iba!
Tayo’y magbigay pag-asa sa pamamagitan ng walang sawang paggawa ng mabuti sa kapwa. Don’t give up sa dami ng problema. Humanap tayo ng tao o sitwasyon na panggagalingan ng ating pag-asa. Gayahin natin sila sa kanilang mabubuting ginagawa. Ma-inspire tayo ng kanilang buhay. In return, sa pagkakaroon natin ng pag-asa at sa ating walang sawang paggawa ng mabuti, tayo din naman ay makakapag-bigay pag-asa sa iba.
Aming Ama, salamat sa iyong habag sa amin. Salamat dahil buhay pa kami. At dahil mahal Mo kami, may pag-asa ang buhay kahit sa panahon ng kagipitan at kawalan ng pag-asa. Nawa, maging inspired kami na gumawa ng mabuti may nakakakita man o wala. Nawa, ang buhay namin ay maging inspiration sa iba na huwag mawalan ng pag-asa at magpuatuloy na gumawa ng mabuti at makadiyos … anuman ang sitwasyon.
Sa makapangyarihang pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Bakit nawawalan ng pag-asa ang ibang tao (o di kaya’y kibit balikat na lang)?
Papaano tayo makakapagbigay pag-asa sa ibang tao?
Anong kinalaman ng paggawa ng mabuti sa pagkakaroon ng pag-asa sa buhay?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions