May 4, 2023 | Thursday

Nararapat Na Pagsunod Sa Diyos

Today's verse: 1 Samuel 15:22 – MBBTag

Sinabi ni Samuel, “Akala mo ba'y higit na magugustuhan ni Yahweh ang handog at hain kaysa ang pagsunod sa kanya? Mas mabuti ang pagsunod kay Yahweh kaysa paghahandog, at ang pakikinig ay higit sa haing taba ng tupa.


Read: 1 Samuel 15

Ang simpleng pagsunod sa Diyos ay mas mainam kaysa komplikadong pagsasakripisiyo.


May isang mahalagang utos ang Diyos para kay Haring Saul na Kanyang ipinarating sa pamamagitan ni Propeta Samuel. At ayun sa salaysay sa 1 Samuel 15, si Saul ay hindi sinunod ang utos ni Yahweh. At dahil dito, nakaramdam ng panghihinayang Si Yahweh sa pagkakapili kay Saul bilang hari. Kinakailangan ni Samuel na kausapin si Saul sa pagkakataon na ito. Ipinahayag ni Samuel kay Saul na ang kanyang ginawa ay pagsuway sa ‘instructions’ ng Diyos. At di sapat ang naisin ni Saul na sambahin si Yahweh dahil sumuway ito sa Kanya.


Mapapansin natin na walang halaga ang anumang mabuting intensyon kung may pagsuway sa payak na utos. Ipinaparating sa atin ng Biblia na ang ‘instructions’ ng Diyos ay dapat sundin. Hindi ito dapat pinapalitan o dinagdagdagan kahit mabuti ang ating naisin. Mahalaga na alam natin at agree tayo sa kautusan ng Diyos. Kapag hindi gayon, makakaisip tayo na baliin o pagandahin ang pagsunod sa Diyos. Anupaman, ito ay pagsuway pa rin.


Sundin natin ang Diyos ng buong puso. Huwag dagdagan o bawasan ang pagsunod sa Kanya. No need na pagandahin ang pagsunod. Maganda na ang mga utos ng Diyos. Di na kailangan na pagandahin pa mga ito. At ang eksaktong pagsunod ay napakahalaga para sa Diyos. Kaya, tayo ay tinatawagan ang pansin na kilalanin kung sino ba talaga ang Diyos. Dahil ang puso ng Diyos ay nahahayag sa pamamagitan ng utos ng Diyos.


Aming Ama, gawin niyo po akong masunurin sa iyo. Tulungan niyo po akong huwag dagdagan o bawasan ang utos ng Diyos. Alam ko na po ngayon na sa pamamagitan ng mga utos Mo ay nahahayag ang puso mo. Gusto kong mas makilala Ka at masunod ka. 

Salamat. Sa makapangyarihang pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions