May 6, 2023 | Saturday
Si Yahweh Ay Sumasaiyo
Today's verse: 2 Samuel 7:1–3 – MBBTag
1Si David ay panatag nang nakatira sa kanyang palasyo. Sa tulong ni Yahweh, hindi na siya ginambala ng kanyang mga kaaway. 2Tinawag niya si Natan at sinabi, “Ang tahanan ko'y yari sa sedar, samantalang nasa isang tolda lamang ang Kaban ng Diyos.” 3Sumagot si Natan, “Isagawa mo ang iyong iniisip, sapagkat si Yahweh ay sumasaiyo.”
Read: 2 Samuel 7
Itinatama ng Diyos ang nilalaman ng ating isipan kapag nasasaatin ang Diyos.
Si David ay dumating sa punto ng kanyang buhay na nalalaman niya na ang damdamin ng Diyos (see 1 Samuel 7:4-11). Hindi man ito inihahayag sa kanya xirekta mula Diyos pero ramdam ito ni David. Konektado na si David sa isip at sa puso ng Diyos. Kaya’t nalungkot si Haring David na ang simbolo ng presensya ng Diyos at nasa tolda samantalang siya ay nasa marangyang palasyo. At para kay Propeta Nathan, ang nilalaman ng isip ni David ay dapat niyang isagawa.
Isipin natin ngayon, paano malalaman ng tao na ang Diyos ay samasakanya? O sa mababaw na salita ay kung ‘confirmed’ ba and iniisip ng tao na ito’y ayon sa layunin o sa kalooban ng Diyos? Nagsisimula ang connection ng tao sa Diyos kapag may relasyon ang tao sa Diyos. Sa panahon ni Haring David, ang connection ay nagsimula sa respecto niya sa karangalan ng Diyos. Yan ang nanyari nung nakaharap ni David ang mga Philisteo at si Goliath. Pinahalagahan ng binatilyong si David ang karangalan ng Diyos. Na kahit na siya’y hari na, ang kanyang matinding respecto sa Diyos pa rin ang kanyang basehan. Kanyang sinabi, “Ang tahanan ko'y yari sa sedar, samantalang nasa isang tolda lamang ang Kaban ng Diyos.”
Halina’t pahalagahan din natin ang karangalan ng Diyos sa papamagitan ng pagbigay galang sa Kanya. Kilalanin natin ang Diyos ng higit pa sa level lamang pagiging relihiyoso. Kilalanin natin ang Diyos ng personal. Alamin natin ang nasa isipin at nasa puso Niya overtime. Ito ay nahahayag ng malinaw sa Biblia. Paglaanan natin ang mga kwento at katuruan ng biblia patiungkol sa character ng Diyos maging ang kanyang personality. Yes, personal makitungo ang Diyos.
Aming Diyos Ama, Ikaw ang nagpapakilala sa pamamagitan ng Iyong Salita at ng Iyong Espiritu Santo. Nawa mas mabigyan ng tamang oras ang pkikipagniig sa iyo. Tulungan mo ako na maging personal din ang pkikitungo ko sa iyo. Bigyan mo ako ng mas lumalalim na naisin na makilala ka ayon sa Iyong Salita at saIyong Espiritu Santo.
Sa makapangyarihang pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Anong alam mo na patungkol sa Diyos?
Papaano sasaatin ang Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions